isang linggo ang lumipas at napansin ni Kai na gusto talagang makipagbati netong si Fiery sa bestfriend niya kaya naman gumawa ito ng paraan, inimbita niya ang lahat para sa isang beach party na inorganize niya.
at the party nandun na ang lahat, nandun din ang pamilya nila, maging si nanay Belen nandun at bigla ding dumating ang ate niya mula sa states.
"ate!" sigaw ni Kai sabay yakap sa ate niya.
"oh? teka siya na ba yun?" tanong ng ate niya habang nakatingin kay Fiery.
"naalala mo yung kaagaw at kaaway ko sa lahat ng bagay? siya yun. ang taong mahal ko." sabi ni Kai.
"asus, sabi naman kasi sayo eh the more you hate the more you love." tapos eh tinapik neto sa balikat si Fiery
"tss oo na, labs, ate ko, ate meet may magandang labs si Fiery" pagpapakilala ni Kai kay Fiery sa ate niya.
"anak!" sigaw ni nanay belen tapos eh biglang napayakap kay Cayley
"naku si nanay lalong bumabata :D" sabi neto
"at ikaw wala pa ring kupas ang ganda mo :)" tapos eh bigla namang dumating ang nanay ni Kai.
"oh anak napaaga ata uwi mo " nagulat kasi siya sa pagkakakita niya kay Cayley
"ma diba alam mong dadating ako ngayon, nagtext pa nga ko sa inyo eh :3" pagpapaalala ni Cayley
"ay ahahahhah sareeh nak baka late reciever lang ako XD teka nga tara na't kumain na tayo" pag-aaya ng mama ni Kai.
"ah sige ma mauna na kayo, dun lang o muna ako sa tabing dagat." sabi ni Fiery.
"labs! wag kang lalayo ah!" sigaw ni Kai.
"ang galing talagang umacting ng mokong nato -_-" bulong ni Fiery sa sarili.
nang nasa tabi na siya ng dagat eh naupo siya sa buhanginan tapos eh pinagmasdan niya ang mga tala sa kalangitan habang pinapakinggan niya namang kumanta ang alon na naghahampasan ng bigla nalang may humawak sa kamay niya.
"Kai wala na sila mama dito." sabi ni Fiery
"aray naman" sabi nung lalaki na walang iba kundi si Dranrev, tiningnan lang ni Dranrev ang mga mata ni Fiery sinubukang ilihis ni Fiery ang mga tingin neto pero wala pa rin ng hindi niya namalayan na nakalapat na pala ng labi niya sa labi ni Dranrev kaya naman nagulat siya at mas lalo niyang ikinagulat ang narinig niya.
"mahal kita" yan ang sabi ni Dranrev pero hindi pa nakakapagsalita si Fiery eh may lumapat ng kamao sa mukha ni Dranrev, at yun ay ang kamay ng bestfriend niyang si Kai.
"pre! ano gago ka ba?! alam mo namang may asawa na yung tao diba?! bakit sinusulot mo pa!" galit na sabi ni Kai.
"bullshit! at sayo talaga nangaling ang mga salitang yan ah, una sa lahat hindi ako ang unang nang-agaw, alam mo naman diba? alam mo namang mahal ko si Fiery, alam mo namang kahit binibiro ko kayong dalawa sa isa't isa at the end of the day biro pa rin yun! ano tinotoo mo naman?! " sabi ni Dranrev sabay sapak sa mukha ni Kai at bigla namang dumating si Cassandra
"oh look what we have here, a live action." pang-aasar niya,
"teka nga tumigil na kayo!" pagaawat ni Fiery.
"kahit anong gawin mo! kahit anong isumbat mo! asawa ko yang kahalikan mo! anong gusto mong mangyari dahil bestfriend kita ok lang yun? ano ka pre chix?!" tapos eh sinapak niya ulit si Dranrev hindi na natapos ang sapakan nilang dalawa hanggang sa nagwalk-out na si Fiery na sinundan naman ni Kai.
"teka!" sabi ni Kai
"ano? sasapakin mo din ako?!" nasigawan siya ni Fiery
"look, Fiery may asawa kang tao, ano sa tingin mo ang sasabihin ng iba pag nakita nila yun? pag may nakakita nun?! ano?" tanong ni Kai
"ako ang mapapahamak, hindi ikaw, ako ang masisira sa mata ng tao hindi ikaw!" sagot sa kanya ni Fiery
"yun na nga eh! kaya big deal saken yun kasi hindi ako! IKAW! IKAW ANG MASASAKTAN!" tinalikuran bigla ni Fiery si Kai.
"kontrata lang naman diba? ilang days nalang ba? 45 days nalang, isang buwan nalang isang buwang pangpapanggap, lahat ng pinakita natin part lahat yun ng isang palabas kung san tayo ang bida! konti nalang makakabalik na rin tayo sa dati at isa pa please lang, don't get too attached with me kasi baka masaktan lang kita at baka masaktan mo lang ako." tapos eh tinalikuran na ni Fiery si Kai hinabol naman siya neto at niyakap patalikod
"eto lang, saglit lang (habang hinihigit ni Fiery ang pagkakayakap ni Kai sa kanya) kahit eto lang ang pakinggan mo, kahit minsan paniwalaan mo ko, na kahit minsan kahit loloko loko ako totoo ang nararamdaman ko, look ayaw kong masaktan ka dahil lang sa punyetang palabas nato! hindi ko alam eh, don't get too attached? huli na Fie para sabihin saken yan, I'm now attached yung feelings ko iba na to, yung mga sinasabi ko totoo yun mula sa puso yun ng isang loko lokong gago na ako. ok lang na ako ang masaktan, wag na ikaw." tapos eh pumatak ang luha sa mga mata nilang dalawa. at bumitaw na si Kai sa pagkakayakap niya kay Fiery. naiwan si Fiery na sunod sunod ang luha sa mga mata.
BINABASA MO ANG
100 Days With My Mortal Enemy (COMPLETED)
Novela Juvenil"ANG PANGET NIYA" -KAI "DEMONYO SIYA >.<" - FIERY -RUVILLE_24-