Prolouge

36 4 4
                                    

                                                    The Mission

Prolouge:


The closer I get to you


*kriing kriinngg*


The more you'll make me see


*krriiinngg kriiinngg*


"By giving me all you gooooaaat~" kanta ko with matching pa sway sway.


Tinitigan ko nang pagkasama-sama yung teleponong kanina pa tumutunog. Nilapitan ko yung radyo ko at ni-pause muna iyon tapos sinagot ko yung tawag.


"Hello?"


"LJ?"


Nanlaki ang mga mata ko nang di oras. Shet, buti nalang sinagot ko.


"B-boss?"


"Are you busy with something?"


Kailangan ko ng palusot! Yung effective!



"A-ano Boss, a-ga-ano-"dumapo ang mga mata ko sa pintuan ng banyo sa opisina ko "Kagagaling ko lang po kasi ng banyo! Tama! Tama! Banyo! H-hehe" siguro kung magkaharap lang kami neto ni Boss baka nakita ko yung kilay nyang tinalo yung attic sa sobrang taas.


"Okay.Palusot mo yan. Anyway, do you see that white folder that I placed on the top of your table?"


"Boss,anong kulay?"


"Are you--" saka ko napansin na may folder nga sa ibabaw ng table ko. Teka, wala to kanina a?


"See ko na Boss! Hehe, white pala." narinig ko ang pagtampal ng kamay niya sa noo niya.


"Open that."katulad ng sinabi niya, kinuha at binuksan ko yung folder.


"Boss,ano ito?" tanong ko. Nakalagay sa loob ang isang profile ng isang lalaki.


"Another mission."sinasabi ko na nga ba.


"Boss?"


"Yes?"


"Sino 'to boss?" tanong ko.


"Basahin mo nalang yan. All of the information that you need to know are all compiled on that folder. I also included some photos of him."


"Boss--"


"Bye."


"Eh teka boss--"


*tooot*tooot*tooot*



 Pagkababa na pagkababa niya ng telepono ay nagsalita agad ako sa intercom.



"Paging paging mga kagrupo kong unggoy, si Jojo,si Jonas, si Junard and fwends, please come to my office."


Isa-isang nagsidatingan ang mga tinawag ko. Lahat sila ay mukhang antok na antok. Walang sabi-sabing pinakita ko angfolder sa harap nila.


"Operation : Cinderella." basa nilasa harap


"Ano yan, Ma'am?" tanong ng isa


"Folder."


"Korni ng joke niyo ma'am."


"Dragon ata yung nakikita ko ma'am eh."


"Gago karton."


"Ulul, planeta yan."


"Pffft."


Napairap ako sa kawalan.


"Folder na may laman. May misyon nanaman tayo mga tsong."


The Mission (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon