"Tell me when will you be mine~""Quando quando quando quando~"
"ANAAAAKK! NAKU JUSKOMIYO! PAPA! PAKIGISING NGA YUNG ANAK MO'T BAKA BINABANGUNGOT NA!"
"HAYAAN MO NA. ANONG ORAS DIN NAKATULOG YANG ANAK MO'T PUYAT NA PUYAT."
"ANONG HAYAAN NA?! HALA KA HOYY, MAY BISITA SIYA SA BABA! SIYA KAMO MAG-ASIKASO SA MGA BISITA NIYA'T NAG-ZUZUMBA AKO DITO!"
Napabangon ako nang di oras.
*BLAG*
PARANG BOLANG TUMALBOG PABALIK YUNG ULO KO SA PAGKAKAHIGA. ARAAYY. BAKIT BA LAGI KO NALANG NALILIMUTAN NA MAY DIVIDER SA HARAP KO? PANIBAGONG BUKOL NANAMAN TO O.
AT TSAKA SINO BA YUNG MGA BWISITA KO? KAY AGA AGA NANG AANO EH.
Bumangon ako nang dahan-dahan habang hawak yung noo ko. Dere-deretso palabas ng kwarto ko.
"NARINIG KONG KUMALAMPAG YUNG DIVIDER. GISING NA YUNG ANAK MO."
"AY MABUTI, SABIHIN MO ASIKASUHIN NIYA YUNG MGA BISITA NIYA. NAKAKAHIYA NAMAN."
Dumire-diretso ako sa hagdanan na parang wala sa sarili. At hawak hawak ko pa din yung noo ko. Humawak ako sa railings ng hagdanan tapos bumaba na. Dire-diretso ako papuntang kusina. Inipitan ko na parang bun yung buhok ko tapos naghimalmos ako.
Tong bahay namin? Hindi siya kalakihan at hindi rin ganoon kaliit pero as long as kumpleto kaming lahat sa iisang bubong, tahanan na para sakin yun.
"Ate.."
Napalingon ako kay Cream, yung kapatid kong bunso. Ako yung nagbigay ng pangalan na cream sa kanya kasi ang puti puti niya. Nakuha niya yung ganda at kutis niya kay mama at ako naman kay papa.
"Ate nandito sina kuya!"
"Oo alam ko."
"Hinahanap ka daw.." nilapitan ko si Cream tapos inakbayan ko siya tapos naglakad na kami papunta ng sala kung saan nandun ang apat na ugok kasama si papa.
"Salamat naman at nagising din." sabi ni Jean.
"MAY BUKOL KA NANAMAN." sigaw ni papa.
"Ipatanggal niyo na kasi yung divider sa harap ng kama ko, pa. Araw araw na lang ah."