"ATE, okay ka lang ba?" tanong ng kapatid kong si Cream
Tinuro ko yung pagmumukha kong nabugbog sa sobrang puyat. "Mukhang okay ba 'tong itsura ng ate mo ngayon?" tanong ko. Sumubo ako ng isang kutsara na fried rice at pumalumbaba
"Bakit ka ba kasi napuyat? Ano bang ginawa mo?" tanong niya.
"Bakit ako tinatanong mo? Pwede bang yung gumawa sakin nito?" naiiyak na sabi ko.
Napatahimik nalang siya tapos uminom siya ng milo. "Bakit ka nga pala hindi pumasok ngayon?" tanong niya
"Day off ko tuwing friday. Eh ikaw? Papasok ka ba?" tanong ko tapos niligpit ko yung pinagkainan ko. Pagkatapos kong maghugas ay binalikan ko si Cream
"Oo naman ate. Alam mo naman na napakasipag ko." sabi niya.
"Ewan ko sayo, dakilang pasok baon ka din eh." biro ko.
"Ay ate, wag na wag mo akong igagaya sayo."
"Suuss, papasok ka lang kasi alam mong papasok din yung crush mo. Ikaw aahh." panunukso ko pa. Napatawa naman siya. "Ay tumawa lang siya, edi ibig sabihin totoo?" sabi ko. Napatigil siya sa pagtawa at biglang nag poker face.
"Ay, Arian, statue? Hahaha" medyo napatigil ako sa pagtawa nang maalala ko si Arian
"I like you, LJ."
Naramdaman ko yung pamumula ng mga pisngi ko. BAKIT KO BA SIYA KAILANGAN PANG MAALALA?!
"Ngumiti ka nga!" sabi ko. Kumunot naman yung noo nung kapatid ko. Teka, parang ang ano naman nung ginawa ko. "Anong oras na! Maligo ka na nga! Ihahanda ko pa yung mga damit at gamit mo! One two three! Fastah fastah!"
Tahimik na pumasok yung kapatid ko sa loob ng banyo. .Umakyat ako sa taas papunta sa kwarto ng kapatid ko para ayusin yung uniporme at mga gamit niya.
Hanggang ngayon napapaisip pa din ako kung paano ako nagustuhan nung lalaking yun. Hindi naman ako maganda. Hindi ako mala-modelo yung mukha. Hindi rin mayaman.
Pinatong ko yung uniporme ni Cream sa ibabaw ng kama niya. Kinuha ko yung bag niya tapos inayos ko yung mga gamit niya sa eskwela. Napaupo ako sa kama niya.
Haaayy Nako ka Ariaaan!
--
"Panyo meron na?" tanong ni Cream
"Check!"
"Lapis?"
"Check!"
"Tubig?"
"Cheeecckk!"