"Leighton Ein Vaux. Vaux, diba 'to yung nilalagyan ng gamit?" binato ko ng tissue box si Jean. Ang nakapa-kwela kong alagad. Hindi matatapos ang araw nang hindi ka mababanas sa mga hugot at joke niya araw araw. Nawala nga naman talagang wenta. Mayaman ang pamilya nila. Yung tipong hindi siya nakaranas ng kung anong paghihirap. AATT, lalaki siJean.Hindi siya naka iwas kaya sumapol sa ulo niya 'yung box."Aray ko naman! Totoo naman a?"
"Gago, box yon."natatawang sabi ni Reuben. Ang medyo may sense kong alagad. Si Reuben ay galing sa isang pamilyang pinagkaitan din ng kayamanan. Tulad ko. At sobrang laki din ng pasasalamat niya kay Boss Brice dahil siya yung tumulong sa kanya. At ako din."Kaya nga! Vaux!"akmang kukuhanin ko yung malaking kahon ng sapatos na nasa ilalim ng table ko at ibabato ko sana ulit pero nagtaas ng kamay si Jean "Ma'am LJ! Joke lang po!"
"Hey Miss LJ, when are we going tostart?" tanong ni Sky. Ang ever conyo kong alagad. Galing siya sa ibang bansa ngunit datapwat subalit, pinauwi siya dito ng mga ever conyo din niyang mga magulang. At sa pagkakaalam ko, magkamag-anak si Boss Brice tsaka to si Sky. Reliable tong isang to kaso hindi niya ata naiwasan at nahawa kay Jean."Oo nga no? Itatanong ko nalang mamaya—"
"February 28,2016. It says we'll do it on Leighton's birthday." singit ni Arian with his famous poker face. Siya si Arian. Siya yung tipo ng taong magsasalita lang kung kailangan. Hindi siya madaldal pero maniwala kayo sakin, pag nalasing yan, kakailanganin niyo ng masking tape para sa bibig niya dahil dinaig niya pa si Jean sa sobrang daldal. At tissue dahil spokening dollar ang alagad kong ito mga tsong."Aba wow bru,Lume-Leighton ka ah. Close kayo?" tumatawang sabi ni Jean. Tinignan lang siya ni Arian , again, with his famous poker face. Napaayos ng upo si Jean at nagseryoso bigla ang mukha.
"And we also needto finish it on the same day." dagdag pa ni Arian."Seryoso?"nanlalaking mata na tanong ni Reuben. "Mukhang mabigat na mabigat'tong misyon natin ngayon."
"Sino gumawa nitong title?Haha, Cinderella! Haha" tawa ni Jean.
"Si Boss siguro."
"Korni.Bakit kaya Cinderella?"
Nagkapalitan kaming lahat ng mga tingin. Hanggang sa lahat ng tingin nila ay napunta sakin.
"O? B-bakit ganyan kayo makatingin?" nakakatakot yungmga titig nila! Parang! Parang! A basta!
"Kanino ba binigay ni Boss 'to?" nakangising tanong ni Jean habang papalapit sa tableko.
"S-saatin." nauutal na sagot ko. E ano naman kung saamin to binigay ni Boss? AT TSAKA BAKIT SILA NAKANGITI LAHAAAT? Of course exception na yung isa.
"At sino ang babae sa grupo natin?" tanong ni Reuben. Atkatulad ni Jean, papalapit din siya sa table ko. Anuba itoo!
"A-ako.TINATANONG PA BA YAN?"
"And Cinderella's a girl, right?" naka-poker face pa din na tanong ni Arian. BAKIT BA SILA NALAPIT SA TABLE KOO?