"BABY JEAN KOOOO~~!"
"Tangina shet, tinatawag na ako sa impyerno mga 'tol. Sponsoran niyo muna yung pa-funeral ko--" bago pa matapos ni Jean yung sentence niya, kumpit na na parang unggoy si Zia.
"Namiss kitaaa!" siniksik ni Zia yung ulo niya sa leeg ni Jean. Pilit namang binababa ni Jean si Zia at halatang halata naman yung pagka irita sa mukha niya. And at the same time, nagb-blush siya
"Ang bango ng baby jean koo!"
"Ano ba! Zia bumaba ka nga!"
". Yo, Zia. Long time no see. How's your height?" natatawang sabi ni Sky.
Bumaba si Zia. Tapos tumayo siya nang tuwid na akala mong isang estudyante na magp-present ng kung anumang report sa harap. "Mukha bang may pinagbago?" tanong niya.
"Cute pa rin. Hahaha!"-Reubs.
"Eeehhh!" naka pout na iyak ni Zia.
Before we proceed, siya nga pala si Zia Kimura. Isang half pinay at half japanese. Hindi ko matantya kung ilang taong gulang na siya dahil sa height niya pero as far as i remember, magkasing edad lang kami. Isa siyang fashion designer mula sa ibang bansa at may ilang branches siya ng sarili niyang clothing line sa iba't ibang malls dito sa Pilipinas. Mula siya sa mayamang pamilya at suredo akong nahalata niyo iyon.
And based on my observations, mukhang may gusto si Reubs at Sky kay Zia.
"By the way, tumawag sakin si Sir Brice kasi may ipapagawa daw ulit kayong props, ate LJ?"
"Ah oo oo. Magpapakuha muna kami ng mga sukat." sagot ko. Bigla namang umentra si Jean na buhay pa pala. "I believe, hindi ko na kailangan pang magpakuha ng sukat." sabi niya.
"Aba bakit aber?"
"Ganun pa din naman ako ka-sexy." sabi niya habang nagma-macho pose. "I AGREE! SEXY NI BABY JEAAN!" sigaw ni Zia. And obviously die hard fan siya ni Jean. Ewan ko ba kung ano yung nakita niya sa ugok na 'to at nagustuhan niya.
"Pero kailangan mo pa din kuhanan ng sukat!" dagdag pa ni Zia.
"Eh paano kung ayokooo?" -Jean
"Edi pipilitin pa din kitaa!"-Zia
"Child abuse yan oy! " napatawa naman si Zia sa sinabi ni Jean. "Baka animal abuse" sabi ko. Lalo namang napatawa si Zia sa sinabi ko.
"Ay. Ipakulong si Ma'am LJ. Lumabag sa human rights."-Jean
"Okay okay stop na. Seryoso baby jean, kailangan kitang kuhanan ng measurements. E baka malay mo kasi biglang may lumaki dyan sa parte ng katawan mo."
Jean grinned like an idiot. "Paki specify nga kung ano yun? If below the belt, paki specify maigi." sabi niya. Namula naman si Zia. "Hoy gago ka Jean, child abuse yan oy!"