Bumalikwas ako ng higa at hinarap yung unan ko. Aaahh! Nakakainis! Wala naman akong maalalang natulog ako kanina pero bakit hindi ako makatulog?
Dahil ba 'to sa nangyari kanina sa "interrogation" room kuno??!!
*tick tick tick*
"SINO yung lalaking yun na nagpakilalang "lev" kanina?" tanong ni Reuben.
*tick tick tick*
"Si LEV NGA YUN! HINDI SIYA SI LEIGHTON OKAY?" pasigaw na sagot ko.
"SINUNGALING! SIGE, JEAN! KAININ MO YAN!" utos ni Reubs kay Jean
"OKEY. ETO NAAA! AAAHHMM—ANG SARAP SARAP!" sabi ni Jean na halata namang nagpapa-inggit. Tapos nilalapit niya pa yung mukha niya sa mukha ko para damang dama ko yung kasarapan niya sa pagkain ng pizza. Nakakainis!
"WAAAAAG! HALAAA NAGSASABI NAMAN AKO NG TOTOO! BAKIT NAMAN AKO MAGSISINUNGALING?" mangiyak-ngiyak na tanong ko.
"Girls are so very much capable of lying." sabi ni Arian habang umiinom ng tubig. So na, very much pa? Hindi siya galit ano?
"I MEAN, BAKIT NAMAN AKO MAGSISINUNGALING NG TUNGKOL KAY LEIGHTON KUNG SIYA YUNG NAKALAGAY SA MISSION NATIN? DIBA?" sigaw ko.
"Maaaring may point ka. Pero hindi kami maaaring magkamali, Miss LJ. Si Leighton yung lalaking yun! At friends pa kayo ha?" sabi ni Jean habang nanguya. Maya maya ay tumigil siya sa pagnguya at tumingin sakin na parang may krimen akong ginawa. "O, baka naman may ginagawa kang hindi namin alam.."
"PWEDEE BAAA! HAYAAN NIYO MUNA AKONG IKWENTO ANG BUONG PANGYAYARI OKAY?" hinihingal na sigaw ko. Tumahimik naman silang tatlo. Yes, tatlo lang sila. Pagbalik kasi namin dito, wala na si Sky at hindi namin alam kung saang lupalop ng daigdig nagpunta yun at nawalan na kami ng time para hanapin siya dahil sa pinaggagagawa sakin ng tatlong ugok na kasama ko.
Pero ang hindi kapani-paniwala, pagkadating namin ay buong buo pa yung pizza. Walang bakas ng paggalaw or hindi manlang binuksan.
"Okay. Nagkakilala kami ni LEV, nung pauwi ako kamakailan lang. Nakasabay ko siya sa jeep na sinasakyan ko. OO, akala ko rin nung una, siya si Leighton pero nagulat din ako nung sabihin niyang LEV yung pangalan niya. Kaya napag-isip-isip ko na, baka may kakambal siya at baka yung kakambal niyang iyon, ay si Leighton. Okay na? Pwede na ba akong makawala? ANG SAKIT NA NG POSAS EH GRABE KAYO!"
Nagkatinginan silang tatlo. Tumango si Jean habang kumakain ng pizza.
"One last question, sino si love? Kilala mo ba siya?" tanong ni Jean. Napairap ako sa kawalan. Napaka talaga nitong mga to!
"Pati ba naman lovelife ng iba pakikiealaman mo pa?!"
Nagmamadaling tinanggal ni Jean yung posas. "Sorry na!" sabi niya. Nang matanggal yung posas sa kamay ko ay hinimas ko yung mga kamay ko. "HINDI MASAKIT AH." naiiyak na sabi ko.