Chapter 10

18 2 2
                                    

"Ate pakiabot nga saglit yung gunting." wala sa sariling inabot ko yung gunting sa kanya tapos sumubo ako ng clover.


"Okay ka lang?" tanong ni Cream habang gumugupit ng hugis puso sa construction paper.


"Okay lang ako. Ikaw? Okay ka lang?" tanong ko pabalik. 


"Okay lang naman. Parang wala ka kasi sa sarili mo eh. Kanina ka pa kain nang kain ng clover. Nahiya naman ako na bumili tapos ikaw yung umubos." sabi niya.


"Sorry na be, Ewan ko ba kung bakit ako nagkaganito!" biglang pumasok si itay sa usapan.


"Hoy kayong dalawa. Wala ba kayong balak kumain muna? Mamaya mo na tapusin yan 'nak. Next week pa naman ang pasahan niyan ah. Aba matatapos mo na ata ngayon palang?! Apakasipag nga naman ng bunso kong ito! Mana sa ama!" pagpuri ni itay kay Cream tapos umupo siya sa tabi niya.


"Ewan ko sayo pa. Baka nakakalimutan mong sakin namana yung kagandahan ng asal niyan at lahat lahat. Pwera lang yung kutis!" pagmamayabang ko. Binatukan naman ako ni itay


"Dami mong alam nak! Basta kumain muna kayo! Iwan niyo na muna yan, may bukas makalawa pa naman!" 


Nagsitayo naman kaming dalawa ni Cream tapos dumiretso na kami ng kusina kung saan nadatnan namin si Inay na nanonood ng kakyeserye with matching kamay nasa magkabilaang pisngi sa sobrang kilig. 


"Yang nanay niyo? Hindi ko malaman kung isusugod ko ba sa mental o sa hospital! Kanina pa sigaw nang sigaw!" sabi ni Itay. Umupo kami ni Cream sa upuan sa lamesa tapos lumingon ang kilig na kilig naming ina.


"Magsikain na kayo dyan ha. Tatapusin ko muna 'to. Ang gwapo kasi nung lalaki dito! Yung may dimple!" tili ni Ina.


"Si Jose Manalo? Ay napakagwapo." sinandukan ko ng kanin yung kapatid ko pati si Itay tapos hinuli ko yung akin. 


"Puta, mas gwapo pa nga ako dyan kay Jose. Kahit na wala akong dimple di hamak na mas gwapo ako dyan." sabi ni itay. Napatawa naman kami ni Cream kasi akala nila si Jose nga yung tinutukoy ni mama.


"Gaga! Anong Jose Manalo! Si Richards Alden!" kinikilig na sabi niya. Napatawa naman kami lalo.


"Anong Richards Alden?! Baka Alden Richards Mama!" tumatawang sabi ni Cream.


Oo nga pala, tinatanong niyo ba kung anong nangyari sa Sky Ranch kahapon? Pagkatapos na pagkatapos namin malaman na si Lev si Leighton, bumalik agad kami sa resthouse ni Tita Vertilla para halungkatin yung folder. (kahit labag sa kalooban kong iwanan agad yung Sky Ranch)


Sumaktong sumakto talaga yung invitation na ibinigay sakin ni Lev sa invitation na binigay ni Boss Brice! Shem Mindblown ako sa misyon na ito! Bakit kasama si Lev? Bakit? Bakiiiiiiiiiit?


--  

"O? Bakit nandito ka?" sa sobrang wala akong magawa at idagdag pa yung occupied na occupied yung isip ko tungkol kay LEV AT LEIGHTON NA IISANG TAO LANG PALA. HAYUFF BA'T DI KO NAISIP YUN? Naisipan kong pumunta ng opisina at eto, nakita ko si Arian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mission (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon