"And..there! All done!" binuksan ko yung mga mata ko at oohh lala! Ako ba ito?! Hindi kapani-paniwala!
"A-ako po ba ito?" wala sa sarili na tanong ko. Napahagikhik naman si Tita Vertilla. Sabi niya yun nalang daw itawag ko sa kanya since close na naman daw kami.
"Of course dear. Ikaw pa din yan. Stand up na, kanina pa naghihintay si Jean sa labas." dahan dahan akong tumayo kasi baka biglang magulo ang ayos ko. OA ba? Aba noh syempre! Minsan lang ako maging ganito kaganda!
Lumabas kami ni Tita Vertilla mula sa walk in closet at dumire-diretso na palabas. Habang naglalakad kami ay sinasabihan niya ako ng ilang beauty tips. Katulad ng, pag-iwas sa sobrang pagkain ng oily foods, dapat laging healthy, ganern ganern.
"Ang hirap pong hindi kumain eh haha."
"Nah. Dapat i-limit mo yung intake ng fat and oily foods!"
Hanggang sa nakarating na kami sa garden na talaga sa labas kung saan umiinom ng tsaa at nagbabasa ng dyaryo si Jean. Ewan ko ba kung bakit natatawa ako sa hitsura ng mokong na 'to ngayon. Parang mama.
"Jean..." tawag sa kanya ni Tita Vertilla. Lumingon si Jean saamin tapos binalik niya tingin niya sa dyaryo, pero binalik niya ulit yung tingin niya samin na parang nakakita ng hindi pangkaraniwang nilalang.
"Holy sh—" hinarang ni Tita Vertilla yung hintuturo niya sa labi ni Jean.
"Wait wait, natatandaan mo pa ba yung sinabi ko about bad words?" parang walang narinig si Jean kasi nakatingin pa din siya sakin hanggang ngayon. Enebee
"—eet of paper.. LJ, I-ikaw ba yan?" tanong niya.
"Ay hindi.Hindi siguro. " sarkastikong sagot ko. Parang nakalunok ng ilang dakot ng bubog 'to si Jean, gumalaw kasi paitaas baba yung adam's apple niya.
"Stop it na. Matutunaw na si LJ. Magmadali na kayong dalawa kasi parami nang parami yung tao doon." kinaway-kaway ko yung kamay ko sa harap ng mukha niya tapos nag snap fingers ako. Medyo naalimpungatan naman na siya ng kaunti pero nakatitig pa din siya sakin. Umiling iling siya.
--
"Nasasayangan talaga ako kay Cream." sabi ko. "Okay lang yan. Madadala pa din naman natin siya sa susunod." sabi ni Jean. Humarap ako sa kanya. "Malayo pa ba?"
"Hmm.. Medyo malapit-lapit na. Matulog ka na muna kung gusto mo."
"Ayoko. Ngayon lang ako naging ganito kaganda, ayaw kong sirain." tumatawang sagot ko. Napatawa naman si Jean tapos tumingin sa harap. "Loka loka ka talaga." sabi niya. Tinapik ko yung kamay niya. "Grabe ka."
Tumingin ako sa bintana at may natanaw akong ferris wheel tapos dinutdot dutdot ko gamit yung darili ko na parang tanga yung bintana.
"JEAAAN! WAAH! FERRIS WHEEL!" parang batang sigaw ko. Ang laki sheeem..Nakaka-amaze! Hindi pwedeng hindi ko 'to masakyan! Matapos kong makakita ng ferris wheel ay sunod sunod nang nagsisulputan yung iba't ibang rides. Waaah! Ang ganda!