"Walang Sawa"

189 29 12
                                    

"Yan naman sila walang sawa na naman nag-aaway"

"Rinig sa kabilang baranggay ang bangayan nila"

"Naging alarm clock ko na sila bago pumasok sa eskwela"

"Lumilipad na naman ang gamit sa kusina"

Sa may kusina ng bahay habang nagluluto si Isabel ang nanay ni Dhiane

"Walang hiya ka,dimonyo ka impakto ka Legorio"
(sabay hagis ng kawali at sandok)

"Wala ka ng ginawang matino"

"Aba Isabel wala akong ginagawang masama"

"Anung wala siraulo ka dapat bang sungkitin mo ang underwear ng kapit bahay"

"Buti nga naalala kita nung sinusungkit ko yung bra't panty ng kapitbahay"

"Tarantado ka talaga bwisit ka"

"Ireregalo ko kaya sayo yun sa valentines"

"Tumigil-tigil ka Legorio hindi ako natutuwa sa pinaggagawa"

"Makaalis na nga makapasok na sa trabaho"

"Mabuti pa nga ng may magawa kang matino"

Bumaba na si Dhiane para mag-agahan para pumasok sa eskwelahan

"Nay anu ba naman kayo halos araw-araw na ginawa ng diyos wala kayong sawa ni Tatay"

"Aba Dhiane alam mong ganon kaming magmahalan ng tatay mo"

"Nay aalis na po ako"

Sige anak mag-iingat ka"

Paglabas ni Dhiane ng bahay nakatambay na agad ang mga tsismosang kapit bahay sa may tindahan"

"Ang aga-aga nakatambay na naman sila 24/7"

"Dhiane naririnig ko nag-aaway naman ang nanay at tatay mo"

"Nagtaka ka pa ganun sila magmahalan"

"Sabay na tayong pumasok sa eskwelahan"

"Makakatanggi pa ako sabay na tayong naglalakad"

Pagdating sa eskwelahan habang papunta ng classroom hindi sinasadyang mahulog sya sa kanal nagtawanan ang lahat dahil shoot ang paa nya sa kanal

"Anu ba yan anu ba naman ito malas ko naman"

"Makapaghugas nga sa canteen"

Habang naglalakad sa canteen si Dhiane hindi pa nga sya nakakapunta sa canteen ng eskwelahan may mangyayari na naman biglang tumama sa ulo ni Dhiane ang bola ng basketball sapul ang mukha ni nya nagtatawanan ang lahat ng nakakita

"Aray anu ba naman ito nahulog na nga ako sa kanal sapul pa ang mukha ko ng bola"

Pagdating sa canteen nakita sya ng kaibigan yang si Tina habang naghuhugas sya ng paa

"Dhiane O anung nangyari sayo??"
"Nagtatanong ka pa edi malas na naman nahulog ako sa kanal pagkatapos tinamaan ako ng bola ng basketball sa mukha anu pa kaya ang malas na mangyayari sa akin ngayon??"

"Okey lang yan"

"Okey ka lang dyan palibhasa hindi ikaw ang nahulog sa kanal saka tinamaan ng bola sa mukha"

"Naku dumating na ang crush ng bayan si Larry ang cute talaga nya"

"Ewan ko papasok na ako sa classroom"

Pagpunta ni Dhiane ng clasroom may nakaabang na sa kanya hinihintay pala sya ng mga PG ibig sabihin P-pretty G-irls pero hindi naman mga kagandahan nasa may daanan ng pinto para mang-asar

All My Life (Buong Buhay Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon