"Ang Jackpot"

26 8 0
                                    

Sa bahay nila Larry kinakausap ni Isabel si Larry tungkol kay Dhiane

"Larry bakit hindi mo sabihin kay Dhiane ang nararamdaman mo"

"Nay paano ko naman gagawin yun?? paano ko sasabihin sa kanya??"

"Bakit kasi may gusto na sayo dati si Dhiane bakit hindi mo pa sinubukan magsabi??"

"Hindi ko nga alam Nay basta hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag??"

"Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi hindi ka nagmana sa Tatay mo"

"Bakit naman Nay??"

"Ang Tatay mo mabilis pa sa alas kwatro kahit ata poste na nilagyan mo ng damit papatusin ng tatay mo"

"Anu Nay??"

"Maloko kasi yang Tatay mo sobrang dami sa kalokohan pero kahit ganyan sya hindi sya nagsasawang matrabaho, minsan nga ang nangyari trabaho lang wala naman sahod, ugok kasi yang Tatay mo masyado mabait minsan naabuso na kaya naging tanga na mabuti hindi ka magmana"

"Ganun po ba Nay"

"Basta kailangan magtapat ka na, sige ikaw rin baka maumahan ka ng iba, daig ng maagap ang masipag, agahan mo na agad para hindi na makawala"

"Parang ganon lang yun ah?? Sana nga ganon nga lang kadali yun"

"Ikaw rin sige ka, basta Larry kung may problema nandito lang ang nanay wag kang mahihiya"

"Opo Nay"

"Sige magpahinga ka na at matulog may pasok ka pa bukas"

"Sige po nay good night po sayo"

"Sayo di pahinga ka na"

Bago nakatulog si Larry nag-iisip sya sa mga napag-usapan nila ni Isabel

"Sana nga magawa kong magtapat sa kanya at sana hanggang ngayon gusto pa nya ako"

Kinabukasan si Larry nagmamadaling bumangon para mag- agahan

"Good Morning"
"Kain na"

Habang kumakain si Larry kinakausap ang ina na si Isabel

"Nay sige magtatapat na po ako kay Dhiane"

"Naku anak tama iyan, gawin mo na agad"

"Opo Nay"

Pagkatapos mag-agahan agad nagpaalam si Larry sa ina na si Isabel

"Nay alis na ako"
"Sige mag-iingat ka"
"Opo Nay"
"Yung mga sinabi ko sayo wag mong kalimutan"
"Opo Nay"

Paglabas ni Larry wala pa rin pagbabago sa lugar na iyon na dating nyang pinintasan nung una syang mapunta

"Wala pa rin nagbago puro tsismosa talaga ang tao dito"

Biglang dumating si Cory kaibigan ni Dhiane

"Larry pwede sumabay"
"Ah sige wala naman masama"

Hindi alam ni Larry si Cory ay may dalang kakaibang kamalasan, hindi pa nga sila nakakalayo para tuluyan maglakad may nangyari na hindi inaasahan, hindi sinasadya ni Larry na makatapak ng dumi ng aso

"Sh*t anu ba yan??"

"Larry anu yun bakit ang baho?? naamoy mo ba??"

"Hindi eh"
(Bwisit na buhay naman pagmamalasin ka nga naman makakatapak ka nga naman ng jackpot)

"Parang sayo galing yung amoy eh"

"Ha! sa akin"

"Huwag ka sana magalit Larry naligo ka ba??"

"Oo naman kahit amuyin mo pa"

"Parang hindi eh, talaga ba na naligo ka??"

"Oo nga bilisan mo ng maglakad"

"Sige dyan ka na nga mauna na talaga akong maglakad, ang baho kasi"

"Mabuti pa"

"Larry alam mo gwapo ka kaya lang amoy kubeta ka"

"Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae"

All My Life (Buong Buhay Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon