"Ang Kwento ng Kamalasan"

83 8 0
                                    

Pumunta si Alicia sa kwarto ni Dhiane para kausapin

(Knock-knock)

"Sandali lang kasi naglilinis kasi ako na dyan na"
"Ma bakit po??"
"O bakit naman naglilinis ka ng kwarto??"
"Ma hindi pa nga tapos mamaya nga yun banyo naman ang isusunod ko"
"OMG Dhiane hindi mo na kailangan na gawin yan"
"Ma bakit naman"
"Hindi mo na trabaho yan, wag mo ng uulitin pa"
"Ma okey lang naman, masama ba yung ginawa ko??"
"Hindi naman masama kaya lang hindi mo na dapat pinoproblema pa yan"
"Ma wala naman kasi akong gagawin nasanay lang ako na naglilinis ng bahay pati banyo"

Biglang napaluha si Alicia sa sinabi ni Dhiane

"Patawarin mo sana ako"
"Ma bakit ka naman umiiyak??"
"Naawa lang ako sa naging kalakayan mo kina Legorio at Isabel"
"Ma kung alam nyo lang"
"Ang anu Dhiane?"
"Ang kwento kasi sa akin ni nanay noon pinanganak daw ako napakamalas ko naman bata"
"Sinabi ni Isabel yun"
"Nung ipinagbubuntis daw nya ako lagi daw may malas na nagyayari katulad ng nasa tyan pa lang daw ako wala na kaming makain"
"Yun ang kwento sayo"
"Tapos nagsasaing lang dawa sya nakalimutan lang daw nya saglit muntik pang masunog ang bahay at ako daw ang ipinagbubuntis nya"
"Bakit naman sinabi nya sayo yun"
"Kaya tuloy buong buhay ko minalas na talaga ako dahil pinaniwalaan ko ang kwento ni nanay, kahit naglalakad lang ako bigla na lang hahabulin ako ng aso, minsan matatamaan ako ng bola, madadapa na lang ako bigla, kaya lagi akong tinutukso sa eskwelahan na malas daw ako kasi may balat sa puwet, walang magandang nangyari sa akin, hindi ko nga magawang magkagusto o magkacrush kasi dahil sa malas nga ako pero ang pinagpapasalamat ko lang hindi naman malas pagdating sa klase namin"
"Anak nakakaawa naman ang naging buhay mo"
"Kasi buong buhay ko kasinungalingan lang pala ang lahat"
"Patawarin mo ako kasi ang ama mo rin ang may kasalanan"
"Ma okey lang naman atleast nalaman ko na ang totoo"
"Paano ba ako makakabawi sayo anak"
"Ma hindi naman kailangan na"
"Kaya sabi ko sayo wag kang maglinis ng banyo ni maghugas ng plato wag"
"Ma naman"
"Sa ngayon lang naman para naman makabawi ako sa mga nangyari sayo na hindi naman dapat nangyari"
"Ma salamat"
"Maiba ako anak kaya ako nandito para may itanong sayo??"
"Ma anu ba yun??"
"Si Angelo ba may malaking problema??"
"Ma ewan ko lang po, hindi ako sigurado kasi hindi ko naman alam talaga"
"Ganun ba?? maiwan na kita"
"Sige Ma"
"Wait lang"

Kinuha ni Alicia ang walis tambo, walis tingting, basahan at map at dinala nya ito lalabas ng kwarto ni Dhiane

"Ma bakit nyo binibitbit yan???"
"Wala itatabi ko na??"
"Ma saan mo naman dadalhin yan"
"Susunugin ko na ito ng hindi mo na makita"
"Ma naman"
"Biro lang itatabi ko lang at pagnakita ko talagang hawak mo ito ulit, ilalagay ko ito sa apoy"
"Si mama nga naman"

All My Life (Buong Buhay Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon