"May Utang Ka sa Akin"

67 28 1
                                    

Pagkatapos ng klase agad pumunta si Angelo at Larry sa clinic para alamin kung okey na si Dhiane

"Okey na sya kahit papaano, kaya lang hindi pa nya kayang mag-isa"

"Ganu po ba ihahatid na namin sya"

"Angelo anu ka ba??"

"Larry nakita mo na nga na hindi pa nya kaya"

"Sige na nga ngayon lang ito"

Nilapitan na ni Angelo si Dhiane para kumustahin ang kalagayan nya sa natamong pambubogbog ng PG retarded

"Dhiane okey ka na ba"
"Oo salamat sinabi na sa akin na ikaw ang nagdala sa akin dito nung wala akong malay salamat sayo at kay Larry tatanawin kong utang na loob ito"
"Anu nga palang gingawa nyo dito??"
"Para kamustahin ka at ihatid ka"
"Ha wag na nakakahiya naman sa inyo"
"Wag ka ng tumanggi sinabi na ng nurse na hindi mo pa kaya"
"Nakakahiya naman"
"Tulungan na kitang bumangon"
"Wag na"
"Sige hayaan mo ako na tumulong sayo"

Agad ibinangon ni Angelo si Dhiane ng dahan-dahan para wag itong masaktan

"Salamat Angelo"
"Ako na bahalang umalalay sayo habang naglalakad"
"Larry nakuha mo na yung bag ni Dhiane"
"Oo ako na magdadala alalayan mo na sya"
"Salamat"

Naiiyak si Dhiane kasi ngayon lang nya naramdaman ang pakiramdam ng may nagmamalasakit

"O bakit ka umiiyak may masakit ba sayo"

"Wala ngayon lang kasi may nagmalasakit sa akin buong buhay ko"

"Ganun ba bakit naman"

"Buong buhay ko kasi hindi na maganda nangyayari sa akin kwento nga ng nanay ko sa akin nung nasa tiyan pa lang daw ako na dun yun nasunog lang ang kanin muntik na masunog ang bahay tapos lag may gusto syang kainin kakagatin lang nya natapon pa kaya siguro ganito ako laging malas kasi nasasinapupunan pa lang ako ganun na hanggang paglabas ko ng mundo kinuha ko lahat ang malas"

"Hindi ka malas iniisip mo lang yun"

Habang naglalakad nag-uusap si Dhiane at Angelo si Larry naman nakikinig lang sa kanila hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Dhiane inihatid sya ni Angelo hanggang kwarto

"Salamat Angelo nakakahiya naman"
"Wala yun"
"Ito na yung bag mo"
"Salamat Larry"
"Wag kang mapasalamat may utang ka sa akin"
"Ah sige pasensya na babawi din ako Larry"
"Pagaling ka"
"Pagaling ka para makabayad ka ng utang sa akin"
"Mag-iingat kayo"
"Sige Dhiane"
"Salamat sa inyo"

Umalis na si Angelo at Larry habang pinipintasan ang lugar at bahay nila Dhiane

"Dun pala nakatira si Dhiane"
"Parang kulungan naman bahay nila"
"Paano mo naman nasabi nakapunta ka na ba sa kulungan??"
"Hindi pa"
"Pintasero ka rin kasi Larry"
"Nagsasabi lang ng totoo"
"Sama mo"
"Yung bahay nila magulo'
"Grabe ka nasasabi mo lang yan kasi maganda bahay nyo"
"Hindi naman nagsasabi lang ako ng totoo"
"Tapos ang daming tambay sa kanila"
"Pati ba naman yun napansin mo pa"
"Kaya naman pala minamalas ang buhay nya"
"Anung konek??"
"A basta maraming kakaiba sa lugar nila pati sa bahay nila"

All My Life (Buong Buhay Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon