"Ang Payo ng Ina"

64 28 9
                                    

Sa bahay nila Larry nag-uusap si Isabel at si Larry

"Anak may itatanong ako sayo"
"Nay anu po iyon?"
"Kaya mo bang tanggapin na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo"
"Nay buong buhay ko ang pinapangarap ng iba naranasan ko na pero ito pala yung kulang na hinahanap ko ang tunay na pagkatao ko naging masaya ako pero mas magiging masaya kung ang pinapangarap kong babae mapapasaakin"
"Si Dhiane ba..."
"Nay paano nyo po nalaman"
"Naging ina pa ako kung hindi ko alam"
"Oo nay sya nga matagal na"
"Oo aaminin ko sayo may gusto si Dhiane sayo dati"
"Talaga Nay"
"Wag ka munang matuwa sa pagdaan ng panahon nagbabago baka nagbago na si Dhiane ngayon at hindi na ikaw ang gusto nya"
"Nay bakit naman ganon ka panira ka ng diskarte maganda na tapos biglang bawi"
"Kaya nga sinasabi ko sayo ngayon ito lahat nagbabago, akalain mo bang naging marangya ka noon tapos mahirap ka na ngayon anak kaya maaring nagbago na ang lahat"
"Nay hindi rin siguro"
"Anak gusto ko lang malaman mo na ikaw ang anak ko"
"Alam ko na po iyon anak"
"Mahal kita ayaw kong makita na sa bandang huli masasaktan ka"
"Nay bakit naman"
"Sinasabi ko lang nga maaga na hindi na katulad ng dati na lahat makukuha mo lahat ng magustuhan mo, baka sanay ka na ganon paano kung dumating sa buhay mo na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo..."
"Nay pinagugulo mo ang isip ko"
"Anak hindi ko pinagugulo sinasabi ko lang sayo ang totoo"
"Totoo na anu Nay!"
"Na hindi ka na mayaman ngayon, hindi tayo mayaman"
"Nay alam ko naman yun tanggap ko na"
"Madali mong sabihin pero mahirap gawin madali tayong nagsalita na kaya pero sa totoo hindi naman pala"
"Nay"
"Gusto ko lang iparating sayo na, sa mas simpleng paraan, sa madaling salita magkaiba na ang mundo nyo ni Dhiane"
"Nay nuon pa man magkaiba na talaga"
"Iba yun nuon dahil si Dhiane simple lang ang buhay nya na nangarap mabago, ngayon nabago na ang buhay nya babalik pa ba sya sa buhay na ito..."
"Nay bakit naman nag-iisip ka ng ganon??"
"Sinasabi ko lang Anak sayo, may kaya na sila Dhiane ngayon, na baliktad na ang mundo mahirap ka na ngayon mag-isip ka anak"
"Hindi ka na sumagot sa palagay mo gugustuhin ng pamilya ni Dhiane na mapangasawa nya ikaw na nagmula sa mahirap, syempre ina rin ako ayaw kong magdusa at maghirap ang anak ko lalo pa babae ipanalangin mo na sana mahal ka ni Dhiane"

All My Life (Buong Buhay Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon