"Ang Pagtulong"

103 28 1
                                    

"Dhiane kamusta ang pag-dive mo sa kanal, ilan ang nahuli mo??"

(Dive talaga! paa ko lang nag-dive hindi buong ako)

"Hindi kasi nag-iingat ay nakalimutan ko kahit mag-ingat ka malas ka talaga"

Biglang dumating si Angelo para tulungan si Dhiane sa mga PG si Angelo lang naman ang isa sa pinaka sikat sa school katulad din sya ni Larry pero hindi naman sya closed kay Dhiane sadyang gentle man lang si Angelo

"Angelo wag kang lumapit sa kanya baka mahawa ka ng kamalasan"
"Pumasok ka na Dhiane wag mo na lang pansinin ang sinasabi nila"

(Ha bakit naman kaya nya sinabi yun hindi naman kami closed)

"Tara na girls iwanan na natin yan malas na yan"

"Nasaktan ka ba Dhiane"
"Hindi okey lang salamat"
(Ang isang sikat na katulad nya kinkausap ang isang katulad ko na laging minamalas)
"Sige mag-iingat ka"
(Ang weird naman ngayong araw na ito)
"Sige ikaw rin salamat"

Dumating na ang Terror na teacher si Mrs. Makawili pero hindi sya nakakawili

"Good Morning Class"
"Good Morning Mrs. Makawili"

"Sino sa inyo ang walang ginawang assignment???"

Buti na lang kahit malas si Dhiane kahit papaano kahit hindi masyado syang matalino nag-aaral naman syang mabuti ang mga PG ang nangungunang walang assignment sa kanila

"Akala nyo makakaligtas kayo sa akin na walang assignment tumayo kayo hanggang matapos ang klase"

(Malas nga ako pero nag-aaral akong mabuti eh kayo buti nga sa inyo yan)

Nang matapos ang klase saka pa lang nakaupo yung mga PG agad na nilapitan nila si Dhiane at sinabi,

"Ikaw ang may kasalanan nito"
"Anung ginawa ko sa inyo??"
"Sumasagot ka pa"

Biglang dumaan si Larry para kausapin si Angelo at nagtilian ang mga PG itutulak sana si Dhiane ng biglang umawat si Angelo

"Wag mong gawin yan sa kanya"
"Pasalamat ka na dyan si Angelo may araw ka rin sa amin"
"Okey ka lang ba dhiane"
"Okey lang sanay na naman akong pinagtatawanan ng lahat"
"Ikaw kasi ang bait mo"
(Bakit sinasabi sa akin ito ni Angelo)
"Ha!"
"Sige mag-iingat ka na lang"

Umalis na si Angelo kasi tinawag na sya ni Larry

"Angelo"
"Larry na dyan na"

Nagatataka si Dhiane Bakit lagi syang tinutulungan ni Angelo

"Bakit kaya ang bait nya sa akin??"

Dumating ang kaibigan ni Dhiane na si Cory yung nakasabay nya kaninang umaga sa pagpasok

"Dhiane tara na"
"Sige na dyan na ako"
"Bakit nakasimangot ka"
"Ikaw kaya laging malas"
"Yun bang kanina pasensya na nagmamadali kasi akong pumasok sa classroom hindi na kita natulungan"
"Okey lang sanay na ako"

All My Life (Buong Buhay Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon