"Ang Pagbabalik"

32 28 0
                                    

Sa bahay ni Dhiane agad pumunta si Alicia para sunduin si Dhiane

"Si Dhiane"
"Nagbibihis lang"
"Salamat sa pag-aalaga nyo sa kanya"
"Patawarin mo sana kami Alicia"
"Wala kayong kasalanan napagutusan lang ang asawa mo si Legorio salamat at tinuring nyong tunay na anak si Dhiane hindi katulad ko"
"Yan na pala sya"

Niyakap ng mahigpit ni Alicia ang nawalay nyang anak na si Dhiane

"Ang higpit po ng yakap nyo"
"Pasensya na"

"Nay aalis na po ako"
"Mag-iingat ka"
"Tay aalis na po ako"
"Maging masaya ka sa piling nila"
"Aalis na ako magpapakabait ka alagaan mo si bunso"
"Opo ate"

"Salamat Legorio at Isabel hindi ko makakalimutan ito"

"Mam Alicia patawarin nyo ako"
"Wala kang kasalanan"
"Ito tanggapin nyo"
"Wag hindi mababayaran ang pagiging mabuting anak ni Dhiane sa amin"
"Alam kong hindi nyo tatanggapin pero pasasalamat ko ito hindi dahil babayaran ko si Dhiane kundi may magawa man akong tama hindi ko man lang minahal si Angelo kundi si Larry na hindi ko rin naman pala tunay na anak malaki ang kasalanan ko kaya sa pamamagitan nito makabawi ako tanggapin nyo na ang pasasalamat ko"

"Salamat po"
"Aalis na kami ng anak ko, sana mapatawad na rin kayo ni Larry"
"Sana mapatawad ka na rin ni Angelo"

Pagkatapos makaalis ni Alicia at Dhiane dumating na rin si Larry kasama si Laura

"Mam Laura"
"Ito na si Larry kahit masakit sa akin na ibigay sya sa inyo pero sya na ang nagpasya na pumarito para makasama nya kayo"
"Nasaan na si Larry"
"Naghahanda lang sya para makita kayo"
"Salamat po sa lahat ng ginawa nyo sa anak ko"
"Tinuring namin ni Vicente na tunay na anak si Larry naging masakit sa kanya ito kaya hindi na sya sumama sa paghatid pero magkasama kaming susunduin si Angelo ang tunay namin na anak"

Pagdating ni Larry niyakap agad sya ni Isabel at ni Legorio

"Anak sana mapatawad mo kami"
"Hindi po ako makahinga"
"Pasensya ka na pati sa bahay alam kong lumaki ka sa marangya pipilitin ko na maging komportable ka dito"
"Wag na ho okey na po kung anung kaya ninyo tanggap ko na po"
"Salamat anak"
"Larry aalis na ako at susunduin ko pa ang kapatid mong si Angelo"
"Ma ingat ka"
"Magpapakabait ka anak welcome ka sa bahay anytime na kailangan mo ng tulong wag kang mahiya"

All My Life (Buong Buhay Ko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon