Naglalakad na ako noon pauwi sa bahay, nang may nakita akong babaeng nakaupo at nagbabasa ng libro sa library. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at gustong-gusto kong pumasok doon. Pagkapasok ko sa library ay pumunta agad ako sa isang bookshelf at kumuha ng libro. Tumabi ako sa kanya at kunwaring nag babasa.Nakaka tense talaga yun halos hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya pa sekreto ko nalang siyang tinitignan, ang ganda pala niya. Di nagtagal napansin ko na nakatitig siya sa librong binabasa ko "kuno". Nailang tuloy ako, aalis na sana ako ng bigla siyang nag salita.
"Ganyan ka ba mag basa ng libro nakabaliktad?" Ano bayan nag mukhang engot tuloy ako, pero ang mas matindi pa niyan ay sinagot ko siya ng napaka genius!
"Nag-aaral kasi akong mag basa ng nakabaliktad, hmm... Para- Maiba naman. Nakakasawa na kasi 'tong nakasanayan natin. Hehe." The fuck at may gana pa akong tumawa? Hindi na talaga 'to mauulit.
"Haha. Nga no? Ma try ko nga rin yan minsan." Expect the unexpected ngumiti siya saken! kala ko pa naman kukutyain niya ko.
Di ko na alam ang sasabihin ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Kaya napagpasyahan ko nang umalis. "Ah sige mauna na ako sayo, baka hinahanap na ako sa bahay..."
Palabas na ako sa library ng may kumalabit ng aking balikat. Kala ko kung sino, siya lang pala. Anong lang? Syempre medyo- Hahaha! Hindi ko masabi ano ba yan ang bakla ko na tuloy. Syempre ano kinilig ako kunti. Ang baliw ko talaga buti nalang at di ako nagmumukhang malandi.
So ayon may binigay siya saken, yung wallet ko. Wait lang ha.
What?!
Yung precious wallet ko muntikan ng mawala! Nag pasalamat ako sa kanya at nagpaalam uli. Kung hindi dahil sa kanya eh wala siguro akong baon for 1 week! Isa siyang anghel! 😇
- - -
Pagkauwi ko sa bahay, doon ko palang na realize na hindi ko natanong ang pangalan niya. Ah!!! Napaka engot mo talaga Jun Kelvin!
- - -
So ayon ang mga nagawa ko nung una ko siyang nakita, nakatabi, at nakausap puro ka abnormalan.
YOU ARE READING
LIBRARY (Short Story)
Romance"Simpleng buhay sa gwapong tunay". It was my favorite quote, but it changed when she came into my life. Yes, I admit she's attractive. But aside from that. She is also the girl who makes me feel this way. The girl who makes me feel the love. The gi...