Chapter 2: We meet again

132 12 0
                                    


Ewan ko ba sa sarili ko nun kung bakit hindi ko siya makalimutan, yung babaeng nakita ko sa library. Ano 'to na love struck ako? Ewan ko nalang. Eh Kasi naman hindi ko na siya nakita ulit. Ano yun first and last meeting? Siguro tinamaan na nga talaga ako. Kasi pag dumadaan ako sa library lagi akong tumitingin minsan nga pumapasok pa. Umaasang baka nan dun siya. Masakit palang umasa no?

Kailan ko kaya siya ulit makikita? Halos mag i-isang taon ko nang di nasisilayan ang mukha niya pero alalang-alala ko pa rin siya. Wala naman akong photographic memory pero nakakapag drawing ako. May connect ba? Pakihanap nalang. Nababaliw na talaga 'ko. Ganito ba kayo pag natatamaan? 'Di ko pa namang masasabing mahal ko na agad yung tao pero ang lakas talaga ng impact niya saken.

Pumunta ako nun sa "Malayang Park". Pangalan po yan ng park napinuntahan ko medyo malapit lang kasi sa bahay namin.

Pagkapunta ko nang park umupo ako sa isang bench at tahimik na pinag mamasdan ang mga puno. Mahilig ako mag tambay dito lalo na't ang ganda at tahimik lamang. Minsan dinadala ko yung sketchpad at lapis ko at nag da-drawing.

Mga ilang minutong pag tatambay ko dun ay parang may narinig akong sumigaw ng "Hoy". Nilingon ko kung saang galing yung boses. Nung una akala ko di ako yung tinatawag pero nung nagsalita siya uli ay napagtanto ko na ako nga yung tinatawag niya. Wait parang familiar yung boses hindi ko lang alam kung sino, 'di ko rin naman masyadong makita yung pagmumukha ng tumawag sakin dahil medyo malabo na ang mata ko. Palapit siya ng palapit ako naman ay parang tigang na naghihintay. Nang malapit na siya saken nagulat ako sa aking nakita. Si library girl 'to at hindi nga ako nagkamali si library girl nga.

"Hi! Naalala mo paba ako?" Tanong niya saken at ngumiti. Ayan nanaman yang mga ngiti niya, ano ba 'to lagi nalang ba ako ma te'tense sa tuwing malapit siya?

"library girl?" Sinagot ko yung tanong niya ng tanong. Talino ko no? Hahaha.

"Ay hala kala ko 'di mo na ako maaalala." Sagot niya sa tanong ko. Deym bat ang cute at ang ganda ng babaeng 'to? Kaloka kinabog byuti ko. Lol! Di ako bakla trip ko lang yun.

Sabe ko naman. "Pwede ba yun? 'Kaw kaya nagsauli ng wallet ko. Dapat nga ay nakapag salamat ako ng maayos sa'yo." Nginitian ko siya. Pansin ko lang panay ngiti namin ngayon ah.


"Ay wala 'yun, ginawa ko lang naman ang tama. Mahirap na baka pagkamalan mo pa akong magnanakaw kung sakaling nawala yung wallet mo." Natawa naman ako sa sagot niya. 'Bat ang lakas ng tibok ng puso ko? Grabe na 'to! Iba na 'to!

Nagtagal din yung pag-uusap namin. Nahuli panga yung pagpapakilala namin sa isa't isa.

"Hala hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Rica G. Tsu palayaw ko ay pikachu, corny no?" At sabay kaming tumawa. Pagtapos nun nagpakilala na rin ako sa kanya. "Ako naman si Jun Kelvin T. Kaizer."

- - -

Simula nun palagi na kaming nagkikita sa library minsan sa Malayang Park. Parang ginawa nanga naming tambayan ang library. Lakas din pala ng mga trip ni Rica, lagi niya akong kinukulit na mag basa ng nakabaliktad. Ako naman 'tong uto uto sunod lang ng sunod. Ganito ba pag inlove?

Oo, inaamin ko mahal ko na si Rica. Kala ko hanggang gusto lang pero sa halos araw-araw namin na pagkikita na realize ko na mahal ko na pala yung tao.

- - -

Rica hindi ka naman drugs, pero ang adik ko sayo.

Rica hindi ka naman ang araw, pero nasisilaw ako pag nakikita kita.

Rica hindi naman ako mais, pero ang corny corny ko na. Epekto yata 'to ng sobrang pagmamahal ko sa'yo.

Mahal na mahal lang talaga kita kaya nga nasasaktan ako.

Tama na ang drama ko na. Hahaha!

LIBRARY (Short Story)Where stories live. Discover now