Monday
May 21, 2015When I received a text message from an Unknown person.
- - -
09499******
Library.
Text message 1:43 PM- - -
Pagkabasa ko nito ay bigla agad akong kumilos papunta ng library. "Wala akong pake kung pinag ti'tripan lang ako. Basta malakas ang kutob ko na si.."
Hinihingal ako, hindi ko natatapos yung mga gusto kong sabihin. Basta ang tanging na sa isip ko ay ang kagustuhang maka punta agad sa library.
Palapit na 'ko ng palapit sa library. Ang lakas pa ng kabog ng puso ko, para bang sinisigaw nito ang pangalan ni Rica. Hanggang sa may naanino ako na nagpaalala sakin noong una ko siyang nakita. Ang presensyang nakapalibot sa library ay pareho sa aking naramdaman dati.
Hanggang sa tuluyan ko nang makita ang taong labis ko ng pinangungulilaan. Yung damit niya, pwesto, ayos ng buhok, lahat pareho katulad ng dati. Bigla akong nakaramdam ng iba't ibang emosyon. Yung tipong gusto kong umiyak sa sobrang saya, pero kailangan kong pigilaan 'to para 'di mag mukhang kawawa sa harap niya.
Dahan dahan kong pinasok ang library. Sa bawat segundo ng aking paglalakad ay si Rica lang ang aking nakikita.
Maganda pa rin siya, kahit na maputla at ang payat payat pa niya. Halatang may sakit si Rica, pero pilit kong isinasaulo sa aking mumunting isipan na wala lang 'yon. Baka nag ha-hallucinate lang ako.
Kumuha ako ng libro at lumapit patungo sa kanyang inuupuan. Nasa likuran na niya ako, pero 'di niya pa rin ako napapansin. Pumunta ako sa harap ng inuupuan niya.
Dahan dahan 'kong ibinaba ang librong hinahawakan ko. Medyo nagulat siya ng makita ako at ngumiti.
"Sorry" Sabe niya, bat naman siya nag so'sorry? Wala naman siyang ginawang masama a.
"Huh? Bat ka nag so'sorry?" Pagkasabe ko nun ay bigla namang namula ang kanyang mata.
"Jun pwede sa labas nalang tayo? Baka makasagabal tayo sa iba. Importante din 'tong sasabihin ko sayo." Matamlay niyang sabe sakin ngunit 'di niya sinagot 'yong tanong ko.
Pagkalabas ng library ay bigla siyang lumuha sa aking harapan. Bat ba siya nagkakaganyan? Kung alam niya lang nasasaktan din ako sa pinag gagawa niya.
"Jun, so'sorry talaga." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko nalang ito niyakap. Napaka PDA ng dating dahil nasa labas lang kami ng library, pero hindi ko na rin kaya 'yong sakit na nararamdaman ko.
Ilang minuto ay humiwalay na din kami sa pakakayakap at habang patungo sa lugar kung saan pribadong makakapag usap kami ng matiwasay. Medyo na karamdam naman ako ng pagkailang dulot ng aking pagkakayakap sa kanya.
Nang makarating kami sa Malayang Park ay saktong kakaunti lang ang taong nandoon.
Pinangunahan naman ni Rica ang pakikipagtalastasan. "Jun, pasensya ka na kung nag sinungaling ako sayo." At iyon na nga ang mga salitang ayaw kung marinig galing sa kanya. Dahil nga sa tanga ako ay pinipilit ko pa rin sa aking sarili namali ang mga hinala ko
"Rica baka nagugutom ka lang. Tara kain nalang tayo, libre ko." Dinaan ko nalang sa pagkain ang sakit nanararamdaman ko baka madala ko siya.
"Jun hindi ako gutom mamaya nalang tayo kumain, dahil importante 'tong sasabihin ko sayo." Wala na akong nagawa. Haharapin ko na lamang ang aking kinakatatakutang katotohanan.
At nagsimula na itong ibunyag ang kanyang sekreto. "May sakit ako at ito na ang huling araw na makakalabas ako sa hospital. Gusto ko sa araw na ito ay mapuno ng kasiyahan walang halong drama. Gagawin ko lahat ng gusto ko habang kasama kita. Okay ba yun Jun? Napaka selfish mang pakinggan pero sanay maunawaan mo." Sa timbre ng boses ni Rica ay masasabe kong seryoso siya sa kanyang mga sinabe. "Masakit man sa pandinig pero para sayo gagawin ko ang lahat mapuno lang ng kaligayahan ang araw na ito." Hindi ko na malayan na nasabe ko pala 'to sa kanya.
---
Sa buong buhay ko si Rica lamang ang nag paramdam saken kung paano mag pahalaga ng tao. Naging instrumento siya na ang buhay ay makulay kung pupunuin mo ito ng pagmamahal. Halo halong emosyon ang aking nararamdaman, pero mas nanaig ang pagmamahal at kaligayahan. Ito man ang huling araw na makakasama kita, pero pang habang buhay naman ang saya na naidulot mo saken.
YOU ARE READING
LIBRARY (Short Story)
Romance"Simpleng buhay sa gwapong tunay". It was my favorite quote, but it changed when she came into my life. Yes, I admit she's attractive. But aside from that. She is also the girl who makes me feel this way. The girl who makes me feel the love. The gi...