Walang araw nun na hindi ako masaya sa piling ni Rica. May usapan kami na magkikita kami sa Malayang Park. Ano kaya gagawin namin? Ngeks! Kinilig agad yung loko. Yan agad pumapasok sa ulo. Wag kang ganon Jun.
Pagkapunta ko sa Malayang Park ay nakita ko agad si Rica. Pansin ko lang mas lalo yata siyang pumuputi. Napansin naman niya agad ang presensya ko at lumakad papunta saken. Kumaway kaway pa nga eh. Hahaha! Nakakatuwa talaga 'tong si Rica.
So ayon nag kwentuhan nanaman kami. Grabe parang 'di kami na uubosan ng topic. Daldal talaga ng babaeng 'to nakakahawa na tuloy. LOL!
Nakaupo lang naman kami sa isang bench ng marinig namin ang bell na nagbebenta ng ice cream.
"Jun bili tayo ice cream." Saktong sakto gusto ko rin nun bumili. "Sige ba." Pagsasangayon ko sa kanya.
Malapit na kami nun kay manong ng bumagal ang paglalakad ni Rica. Tinanong ko siya "Rica, okay ka lang?" Sabe naman niya okay lang siya. Dun ko palang napansin na hindi siya pumuti kundi pumutla. Ang tamlay niyang tignan, ngunit nagpagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Pero parang wala namang sumusunod saken. Kaya't nilingon ko siya. "Rica! Anong nangyayari sa'yo?!" Tumakbo kaagad ako papunta sa kanya. "Jun wala 'to sige na mauna kana susunod nalang ako. Sagot niya sa tanong ko. "Anong wala?! Eh halata namang..." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng nahimatay si Rica. Sa una wala akong maisip na matino. 'Di ko alam ang gagawin ko na ba-blangko ang utak ko. Ni hindi ko nga namalayan na nasatabi ko na pala si Manong ice cream.
Mabuti nalang at na banggit ni Manong ang hospital. Masyadong malapit lang ang Hospital at naisugod ko kaagad si Rica. Naghintay ako ng ilang minuto sa labas ng room kung saan siya pinasok ng mga nurse.
Nakaupo lang ako sa waiting room ng marinig kong bumukas na ang pinto. Lumapit ka agad ako sakto naman at ang doctor ang lumabas. Tinanong ko siya kung may sakit ba si Rica sabe naman niya na over fatigue daw. Dagdag pa nito over fatigue can cause to faint. Sinabe naman ng doctor na mga ilang minuto ay pwede na akong pumasok sa room kung saan nan doon si Rica.
Pagkapasok ko ay nakita ko si Rica na nakahiga hindi ko alam kung natutulog ba 'to o hindi. Pagkalapit ko ay gising pala 'to. "Gising ka pala." Mahina kong sabe. "Hinihintay kasi kitang pumasok." Kala ko hindi niya narinig ang hina kaya nun. "Rica sigurado ka bang wala kang sakit?" Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko 'yon na tanong sa kanya. "Wala a, nga pala Jun buti naalala ko. Pansamantalang hindi lang muna tayo magkikita mag a-out of town kasi kami nila mommy at daddy, dapat kanina ko pa 'to nasabe sayo e." Hindi ko namang akalin na kukurot 'tong puso ko. Ilang araw lang naman yata yan e. OA masyado wag kang ganun family bonding din nila yan. "Ah, sige ingat kayo wag mo ring kalimutang mag pahinga baka maulit 'to." Matamlay kong sagot. Pagkatapos nang maikling pag-uusap namin ay umuwi na rin ako.
Habang papauwi ay 'di ko na malayang tumutulo na pala yung mga luha ko, para akong baliw na naglalakad. Ang sakit hindi ko maintindihan ang sarili ko hindi naman niya sinabe na hindi na siya babalik a. Ang babaw naman masyado ng mga luha ko.
Lol ka talaga Jun masyado kang madrama mag a-outing lang yung tao with her family. Loko 'to hindi mo pagmamay ari si Rica. Grabe naman 'tong utak ko. May gana pa talaga ako makipag-usap sa sarili ko. Nakakatawa na nakakalungot, pero mas nanaig parin ang lungkot.
Mag dadalawang buwan na rin pala nun nang huli kong nakita si Rica. Masyado naman yatang matagal ang outing nila.
Pinipilit kong kalimutan siya pero ang hirap mas lalo lang sumasakit. Bakit ko nga pala 'to ginagawa? Eh babalik parin naman yung tao. Minsan pala nakaka bobo ang ma inlove ay hindi pala minsan palagi pala. Nag-iisip ka ng kung ano-anong paraan kung paano mo 'to makalimutan. Eh ito naman yung taong nag papasaya sayo, yung taong mahal na mahal mo, yung kumukumpleto ng araw mo, iyong tipong tao na nagiging mundo mo nanga.
Kaya sa bandang huli ay na realize ko na ang tanga ko na pala. Kaya't tinigil ko na ang paglimot sa kanya. Pinag patuloy ko nalang ang buhay ko. Eh sa ganoong paraan ay hindi pa ako mag mumukhang tanga, pero minsan talaga di ko mapigilang masaktan at umiyak sa tuwing naalala ko siya. Palagi kong sinasabe sa sarili ko na "Hindi man ako okay sa ngayon pero lilipas din 'to."
- - -
Ang emo ko ng panahong 'to. Pero seryoso ang sakit maiwan.
YOU ARE READING
LIBRARY (Short Story)
Romance"Simpleng buhay sa gwapong tunay". It was my favorite quote, but it changed when she came into my life. Yes, I admit she's attractive. But aside from that. She is also the girl who makes me feel this way. The girl who makes me feel the love. The gi...