Ilang araw na din pala ang nag daan nang huli kong nakasama si Rica maglakad. Sa ngayon ay naroon siya sa Hospital nag papagamot. Samantala ako buhay na buhay, ngunit sa aking kaloob looban pakiramdam ko ako'y paunti unting sinasaksak. Madalas ko lang siya mabisita dahil sa busy kami sa paghahanda nang aming buwan ng wika bukas.
Nang biglang mag ring ang aking cellphone. Tinignan ko muna kung sino yung tumawag kapatid ko pala.
"Hello? Napatawag ka yata."
"Kuya kailan ka ba bibisita kay ate Rica? Ako kasi yung kinukulit e."
"Baka bukas nalang Kaye may tatapusin pa kasi ako dito sa school."
"Sige inform ko nalang si ate. Babosh! Ingat ka sa pag uwi baka maka tapak ka ng time bomb. Wahahahaha!" Kahit kailan talaga mapag biro 'tong kapatid ko.
"Opo, ikaw din ingat ka baka matusok ng eyeliner mata mo" At nag end na ang tawag. Ah nga pala baka mag taka kayo si Rica at ang aking kapatid ay magkakilala medyo close na din sila.
---
At ito na nga ang araw nabibisita ako kay Rica. Habang papalakad papunta sa kanyang kwarto ay napansin ko na may nagtatakbuhang nurse. Dun ko palang napansin na pareho pala kami ng pupuntahan at ako'y napatunganga sa aking nakita.
Si Rica ay napapalibotan ng tatlong nurse at isang doctor. Hindi ko alam kung ano yung tawag dun sa inilalagay sa kanyang dibdib basta ang alam ko masama na ang kinalalagyan niya. Bigla namang sinarhan ng isang nurse ang pinto kaya't 'di ko na nakita ang buong pangyayari.
Naghintay ako sa labas ng kwarto nang ilang minuto, nag babakasakaling makapasok.
Bigla namang bumukas ang pinto at lumabas ang dalawang nurse. Napansin naman nila ako.
"Iho bawal tumanggap ng bisita ang pasyente ngayon." Yun lamang ang sinabi nila at ako'y tumango nalang at pilit na ngumiti.
Naglalakad na ako pa labas ng Hospital ng maka receive ako ng text message galing kay Rica. Syempre nag taka ako ang bilis naman yata ng pangyayari at siya'y naka text pa. Nag aalala lamang ako sa kanya. Binasa ko'to hindi ko alam kong matutuwa ba ako o hindi sa nabasa ko, pero wala na akong nagawa kundi bumalik sa kanyang kwarto.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko ang babaeng minahal ko ng sobra sobra. Kumaway siya saken na para bang wala lang nangyari.
"Ang bilis mo naman yata, diba kakatext ko lang sayo?"
Nagsinungaling ako sa kanya. "Ah... Eh sakto kasi papunta na ako dito ng mag text ka." Hindi ko sinabe sa kanya na nakita ko siya na halos mawalan na ng buhay. Masakit pero pilit kong pinipigilan ang aking sarili dahil ako'y nasaharapan niya.
"Wala bang pasalubong? Hehehe. Sabi mo kasi pag bumisita ka ulit bibigyan mo ako ng favorite cake ko." 'Bat ba pinapapakita mo na wala lang masamang nangyayari sayo? Ganon ba kadili para sayo ang ngumiti? Kahit halata naman na hindi.
"Pasensya ka na Rica nakalimutan kong dalhin naiwan ko sa bahay."
"Ah. Okay lang." Matamlay niyang sagot.
Habang papunta ako dito sa Hospital ay napag desisyonan ko nang aminin na mahal ko siya. Inipon ko na lahat ng aking lakas ng luob baka ako'y magsisi sa bandang huli.
"Rica, ma.." Napasinghot pa ako bago ko 'to natapos. "MAHAL KITA!" Medyo napalakas ang aking pagkakasabe, kaso sinagot niya ako ng linggwaheng 'di ko maintindian.
"Nado, saranghae."
Pinaulit ko 'to sa kanya baka sakaling nagkamali lang ako ng pangdinig. Ngunit inulit niya lang iyon. Ang sabi pa nga niya ay alamin ko daw yung ibig-sabihin noon sigurado daw matutuwa ako. Hindi na ako nag tagal pa roon at umuwi na nang bahay at agad kong hinanap sa google ang ibig-sabihin. Kaso hindi ko alam ang spelling kaya nag hey google nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/61305332-288-k457026.jpg)
YOU ARE READING
LIBRARY (Short Story)
Romance"Simpleng buhay sa gwapong tunay". It was my favorite quote, but it changed when she came into my life. Yes, I admit she's attractive. But aside from that. She is also the girl who makes me feel this way. The girl who makes me feel the love. The gi...