CHAPTER TWO

298 10 0
                                    

MJ ROSS



"Gumagana pa rin naman pala ang charm ni Dr. Alexandra Alonzo sayo, MJ." Natatawang saad ni Kean sa akin.


Yes, they've convinced me to go home. Actually, we're on our way to the airport now.


"Kean, I swear I'll wring your neck kung di ka pa titigil." I said in my annoyed tone.


Alexandra Alonzo is the baby of our barkada. Lahat kami ay kayang kaya nitong i-convince mainly because she knew that we will do anything for our baby brat. Yes, siya ang pinakabata pero only a matter of months lang naman.


"Pero Mj, you know very well that----" Pia said but I cut her off.


"I know and let's not talk about it. Hindi naman siya ang ipupunta ko doon. I'll be there for Alex. No more, no less." I said flatly. We were silent hanggang sa makarating kami ng airport.





"Maki will surely be there, Pia. Pinsan ni Greg yung bruhang iyon." I heard Kean hissed. Akala siguro nila ay tulog pa rin ako.


"I know and Mj knows too. Baka naman move on na siya. Sabi niya sa akin kanina ay ayaw niyang pag-usapan." Sagot naman ni Pia.


"Her avoiding it only means she's not yet over it, P."



"I hope you're wrong, K. M does not deserve to be miserable again." Pia said in a sad note.




Hindi ko masyadong naramdaman ang 15 hour flight dahil tulog lang ako ng tulog. Good thing we used Alex' family plane. When we went out of the arrival area ay agad kong narinig ang sigaw nina Sarah.

"Oh my gosh! I can't believe na after 4 years nakumpleto tayo dito sa Pinas!" Exaggerated na saad ni Sarah.


"Calm down, S. Baka sumakay pabalik ng LA yang si Mj sa ingay mo." Natatawang saad naman ni Bea.


I exchanged kisses to our cheeks. Kung may namiss ako sa Pilipinas ay ito iyon. I have no family. Solo akong anak at namatay sa car crash ang mga magulang ko 7 years ago. College pa lang kami ay solo na ako sa buhay kaya naman when I got a chance to pursue photography sa ibang bansa ay hindi ako nag-alinlangan.


"Thank you, M. Super happy ako na andito ka na ulit!" Alex exclaimed.


"Only for you, Alex." I answered.


"Ay, ang daya. Kung kami pala hindi ka papayag umuwi. Ganon ba yun, MJ?" Kunyari'y nagtatampong saad ni Sarah.


"Oo, kasi ang arte mo!" Natatawa kong sagot dito.



"Tara na nga! Baka masapak ko pa yang si Mj. Di porke matagal kang di umuwi dito eh gaganyanin mo na kami!" Natatawang sabat naman ni Bea.



"Basta, I'm glad that I'm here with all of you guys." I said wholeheartedly.


When my parents died, silang lima na ang tinuring kong pamilya. Sila ang tumulong sa akin to mend my broken being. They stuck with me during my dark ages at never nilang pinaramdam na mag-isa lamang ako sa buhay.



"Nakapag-LA lang, ang drama na! Tara na nga!" Sigaw ni Kean at tuluyan na kaming umalis ng airport.

Last Shot at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon