MJ ROSS
"Maganda araw, Ineng! Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" Tanong ng isang Ginang. May isang laking gate na pumapagitan sa amin.
"Hinahanap ko po kasi yung Imelda's Garden. Magtatanong lang po sana ako." I said scratching my head.
"Ah! Ito na nga iyon. Kaso hindi na Imelda's Garden ito. Iba na kasi ang may-ari." Nakangiting saad nito sa akin.
"Ah ganoon po ba? Kaya po pala wala na yung malaking arko sa taas ng gate ninyo." Kaya naman pala di ko ito makita dahil nawala na iyong pangalan at napaltan na ng gate ang dating arko nito.
"Parang ngayon lang kita nakitang nagawi dito, Ineng. Madalas ka ba dito?" Tanong naman nito sa akin
"Madalas po ako noon dito. Bago po ako pumunta sa ibang bansa. Mahilig po kasi ako sa bulaklak at palagi po akong bumibli ng roses dito." Sagot ko naman dito.
"Oh siya, pumasok ka dito. Hindi na kami nagbebenta ng rosas pero maganda pa rin ang hardin dito." Binuksan nito ang gate at pinapasok ako.
"Ako po pala si Mj. Pasensya na po kung naaabala ko kayo."
"Wala iyon, Ineng. Nakakainip rin naman kasi dito kapag minsan." Saad nito. "Kailan ka huling nakapunta dito?" tanong nito.
"Four years ago na po." Tipid kong sagot dito.
"Matagal na pala yung huli mong bisita. Kaya siguro di kita mamukhaan. Marami ng nabago sa lugar na ito. Lalo na noong nabili ito ni Ina. Ako pala si Lourdes. Katiwala ako dito." PAkilala naman nito sa akin.
"Hindi po ba kayo papagalitan ng may-ari nito sa pagpapasok sa akin?" tanong ko dito.
"Naku! Nuknukan ng bait iyong batang ito. Nakakatuwa nga iyon dahil bukod sa maganda, napakabait pa. Kaya hindi ako nagtatakang sa kaniya inalok ni Donya Imelda itong hardin niya." Pinapasok niya ako sa loob ng rest house at inalok mag-tsaa.
"Pasensya ka na, itong tsaa at biskwit lang ang ma-iaalok ko sa iyo. Namamalengke pa kasi si Tomas, iyong asawa ko. Siya ang hardinero ito."
"Naku! Hindi na po sana kayo nag-abala. Nakakahiya naman po. Okay lang po ako." Nakangiting saad ko dito.
"Wala ito, Ineng. Natutuwa ako sa iyo at naalala ko si Ina kapag nakikita kita. Pareho kayong maganda."
Nagkwentuhan lang kami ni Aling Lourdes. Well mostly siya iyong naimik. Marami siyang kwento at nakakatuwa itong kausap.
"Aling Lourdes, is there a chance na ibebenta ito noong may-ari?" I asked as I sip the Jasmine tea she offered me. Gusto ko talagang mabili itong property na ito dahil espesyal ito sa akin.
"Ay, mukhang malabo iyon, Ineng. Mahal na mahal ni Ina itong hardin na ito. Ayon sa kwento niya, paborito nilang puntahan ito noong taong mahal niya. Sa katunayan niyan, halos linggo-linggo noond dumadaan si Ina dito. Uupo lang siya doon sa upuan malapit sa kaisa-isang puno ng mangga dito. Nakatulala lang o di kaya ay umiiyak. Doon siya napansin ni Donya Imelda. Kaya ayon, inalok siya ng Donya ng tsaa at nagkwentuhan. Hanggang sa unti-unting sumigla si Ina muli pero alam naming malungkot pa rin siya. Tapos nagkasakit si Donya Imelda at ibinibigay niya kay Ina itong hardin pero sabi nito, ay babayaran niya. Pumayag ang Donya pero ibinigay sa amin ang napagbentahan kapalit daw ng matagal naming serbisyo at pag-aalaga sa kanya at sa hardin." kwento ni Aling Lourdes.
Tumahimik na lang ako at humigop muli ng tsaa ng may marinig akong pamilyar na boses.
"Hi, Aling Lourdes! Kamusta po kayo?" Bati nito sa Ginang.
"Ina, mukhang napa-aga ang dalaw mo ah!" Tuwang tuwang saad nito.
I turned around. Hindi ito nakatingin sa akin at abalang tinitingnan ang mga sulat sa isang lamesa.
"Ina, may bisita tayo, madalas daw siya dito noon, parang ikaw." Giliw na giliw na saad ni Aling Lourdes. Maki lifted her head and looked at me.
"Oh, Hi-- Julian?!" Naputol ang sasabihin nito ng makita ako.
"Hi, Katrina."
BINABASA MO ANG
Last Shot at Love
RomanceLet your love go and set it free. If it comes back, you're meant to be. GxG story.