CHAPTER SEVEN

244 8 0
                                    

MAKI LOPEZ



FLASHBACK



First day of being a college student and I'm a bit nervous. Why? Because I am the only one who'll go to St. Martin University sa klase namin noong high school.



Bakit kasi sa dinami-rami ng school sa Maynila ay dito pa sa probinsya napili ng mga magulang kong pag-aralin ako.



I arrived thirty minutes early sa classroom so I decided to plug my earphones as I doodle in my notebook.


Everyone seems to know someone. Parang ako lang iyong may sariling mundo dito sa corner. Hindi naman kasi malaking school ang pinapasukan ko pero I heard na isa ito sa pinaka may magandang education next to the top schools sa Manila.



Unti-unti ng dumadami ang tao sa classroom. A group of girls entered the classroom at binati ng mga kaklase namin.


"Hi!" Girl number 1 said. "I'm Sarah Lim. Bago ka dito?"


"Hi, I'm Maki. Yes, bago lang ako dito." Tipid na sagot ko.



"Kaya pala parang ngayon lang kita nakita. Anyway, these are my friends, Alex, Bea, Kean, Pia and Mj." Lahat sila ay binati ako pero ngumiti lang yung Mj.


"Mj, manners. Bakit hindi mo binati si Maki?" Sabi ni Pia dito.


"Hi." Mahinang saad naman nito.


"Pagpasensyahan mo na si Mj, hindi niya hobby magsalita eh. Anyway, sama ka na samin ha. Kung wala ka pang kakilala dito. We don't bite naman!" Sarah giggled.


Out professor arrived at isa-isa kaming nagpakilala. Naunang nagvolunteer sina Sarah.



"I'm Samantha Lirah Lim, everyone knows me as Sarah. I am taking up BA English Literature."


"I'm Alexandra Alonzo, BS Veterinary Medicine. You can call me Alex, guys!" Pakilala ni Alex.



"Beatriz Marie Sanchez, Bea na lang guys. I'm taking BS Political Science." She said in a serious tone kaya tahimik lang ang lahat.



"Pia Carmela Moritz, Liberal Arts student, major in Financial Management and Mass communications." Ang prim and proper talaga niya.  Dual course pala siya.



"Kendra Andrea  Rodrigo, I'm taking up yung katulad kay Pia. Hehe. Haba eh." Natatawang kumamot pa si Kean sa kanyang ulo.



"Margaux Julian Ross. BS Psychology." Why does she look so cool kahit suplada siya?


After magpakilala ng iba ay ako naman ang sumunod.


"I'm Maria Katrina Lopez. You can call me Maki and I'm taking BS Psychology." I said.





"Maki, you're taking Psych pala." Tanong ni Pia habang kumakain kami ng lunch sa isang resto malapit sa University.


"Yes. Fascinated kasi talaga ako sa psychology eh. And parang ang sarap sarap makipag-usap sa tao." Explain ko naman.


"That's true, nagtataka nga ako kung bakit yan ang kinuhang course ni Mj eh hindi naman yan nakikipag-usap sa ibang tao." Natatawang saad ni Kean.


"But we must say, genius yang si Mj. Hindi lang halata kasi di naimik. Never mo yang makikitang mag-open school-related books pero hindi bumabagsak noong high school kami pero kapag nakita mo siya sa bahay nila novels lang ang binabasa nan." Proud na sabi ni Alex.


"So, matagal na pala kayong magkakaibigan?" Curious na tanong ko.



"Yes. Since diaper era, magkakakilala na kami. We live in the same village. Bata pa lang kami carpool na kami lagi going to school." Kwento ni Sarah.


"Until now?"


"Yes, pero ngayon, we schedule who's car we'll use. Katulad ngayon, we're using Kean's car pero usually Mj drives. Lagi lang siya ang nagdadrive tapos kami kwentuhan lang." Sabi naman ni Alex.



"Saan ka pala nakatira? Para maihatid ka namin." Tanong ni Pia sa akin. Nalaman kong siya pala ang mother hen ng barkada nila. Si Bea daw ang voice of reason nila while Sarah is their fashion consultant. Kean's the joker at source ng kalokohan. Si Alex daw ang baby and Mj, well, sabi nila is their Mj.



"Sa Winston Village lang. Okay lang kahit hindi niyo na ako ihatid." I said smiling.



"You know what, meant ka to be our friend. We're living in the same village." Natatawang saad ni Pia.

Last Shot at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon