CHAPTER EIGHT

198 6 2
                                    

MAKI LOPEZ




FLASHBACK



Tinatamad akong pumasok. Kung hindi lang ako sinundo nina Mj ay siguradong hindi ako makakalabas ng bahay namin.



"Nakakatamad!" Reklamo ko. Kami lang ni Mj ang magkaklase ngayon dahil kami lang naman ang may magkatulad na pre-requisite subject.



"Cutting tayo." I heard MJ. Is this for real? Kinakausap niya ako?



"Huwag kang magulat diyan, I talk." Dugsong pa nito at lalo akong natulala. Bakit parang ang ganda ng boses niya sa pandinig ko.


"Bahala ka nga diyan. Bye." Sabi nito at umalis na.



"Wait!" Sigaw ko at patakbong sumunod dito. "San tayo pupunta?" Tanong ko dito.



"Kahit saan." Tipid nitong sagot. May expiration ata pagsasalita nito.


"Ang tipid mong magsalita, no?"



"Tamad ako umimik." Sagot nito sa akin.


"What? Ikaw lang ata kakilala kong ganun."


"Can we go on a road trip? Ditch natin school today." Tanong nito. Kung sa ibang tao at situation, hindi ako papayag.


"Sige ba. Basta ikaw ang bahala sa kanila." Sagot ko na lang.  "Para hindi tayo mabored, I'll ask question tapos sasagutin mo and vice versa. Game?"  Tumango lang ito.



"First question, what's you're favorite color?" Ang lame, Maki!


"Violet, you?" Really? Ganun lang tanong niya?

"Blue. Alcoholic drink?"

"Tequila."

"Margarita. How about your brand of clothes?"

"Lacoste."

"Wala akong maisip. Shoes?"

"Anything flat and white."

"Valentino. Movie or books?"

"Books."

"Paintings or poems?"

"Pictures." Wow, artist!

Marami akong nadiscover sa kanya although lahat ng sagot  niya one word lang. Nakarating kami ng Tagaytay ng hindi ko namalayan. Bumaba kami ng sasakyan at may kinuha itong bag sa backseat.


It was a DSLR camera. Hindi ito basta basta dahil mukhang high end ito.


"Smile." Sabi nito na ikinagulat ko naman. Pinicturan ako nito.


We roam around at abala naman ang kasama ko sa pagkuha ng litrato. Biglang may lumapit na street child kay Mj.


"Ate, ate, bili ka na." Sabi ng bata kay Mj.


"Hi, bata. Anong tinda mo?"  Lumebel si Mj doon sa bata.

"Keychain at bracelet ate. Souvenir niyo ni ate ganda." The kid said and smiled.


"Ako ba yung ate ganda na sinasabi mo?" Tanong ni Mj. Marunong naman pala makipag-usap tong taong ito!


"Maganda ka kung bibili ka ate."


"Oh sige pero asan muna magulang mo?" Tanong pa ni Mj.


"Andyan lang ate, magtitinda rin sila." Sagot banan nito.


"Oh sige na nga, magkano ba yan lahat?" Anong nito.


"1,300 lahat lahat ate."



"Oh eto 200. Sayo na yan." Anak ng! Akala ko pa naman bibilhin niya lahat!


"Ito dagdag, 300 para may kita ka na agad." Sabi ko naman sa cute na batang babae ito. Nagpasalamat naman ito sa amin at umalis na.


"Akala ko pa naman bibilhin mo lahat." Natatawang sabi ko kay Mj.


"Eh ang mahal eh." Natatawang sabi rin nito.

Last Shot at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon