CHAPTER SIXTEEN

191 8 1
                                    


MJ ROSS


Grumpy Maki is still as bad as I remember.


Hindi ko alam kung bakit ang sungit sungit nito nung dumaan ako sa office nito kanina. Hindi ako pinapansin at halos mamatay ako sa sama ng tingin nito sa akin. Wala naman akong matandaang ginawang mali at lalong lalong hindi ko nalimutan ang anniversary namin dahil hindi pa naman niya ako sinasagot ulit!


"Hi, Mj!" Masiglang bati sa akin ni Sarah.


"Hi." I mumbled. I'm still sporting a frown at malalim na nag-isip kung bakit badtrip sa akin si Maki ngayong araw.


"Para kang pinagsakluban ng langit at lupa, M. Trouble in paradise?" Mapang-asar na turan naman ni Kean. Pia giggled beside her as I shoot K my deathliest glare. Bakit ba parating magkadikit tong dalawang to?


"Paano, nasample-lan ng kasungitan ni Maki kanina. Oh my! Kung nakita niyo lang siya nung lumabas ng office ni Maks, parang naluging tuta ang bata!" Natatawang kwento naman ni Alex at nagsipagtawa naman ang mga hampas lupa kong kaibigan. Yung totoo, kaibigan ko ba tong mga ito? I sighed, iniisip ko pa rin kung bakit.


"I just don't know what I did to her." I whined at lalong natawa ang mga kasama ko. Para kasi akong batang hindi pinayagang lumabas ng bahay at pinipilit patulugin sa tanghali kahit mas mataas pa sa Mt. Everest ang energy level ko.


"Baka naman busy lang sa trabaho, M. Alam mo naman, executive si Maki. Malay mo maraming projects ngayon iyon." Paliwanag ni Atty. Bea sa tabi ko.


"Maybe pero kahit naman busy iyon, hindi siya nagsusungit or hindi namamansin. I just feel na parang may mali akong nagawa. Hindi naman namin anniversary or monthsary kasi di pa naman niya ako sinasagot ulit. Lalo naman hindi ko nalimutang magtext kagabi at kaninang umaga." I reasoned out at bumughat ng tawa ang mga kaibigan ko.


"You're sooooo whipped, Mj! Baka naman nasasakal na sayo si Maki kaya ganon?" Natatawang turan ni Pia. A horrified expression appeared to my face. Para akong natuyuan ng dugo. It is a great possibility.


"Oh my God! No! No, no, no, noooo! Am I too much? Am I being extra already?! No, no, no, no! What would I do?! What do----"


"Relax, Mj! Binibiro ka lang ni Pia. I don't think na nasasakal sayo si Maki. The girl love you too much. Baka nga pagod lang sa trabaho or may period. Chill ka lang." Paliwanag naman ni Bea.



I sighed again. Today is Wednesday so it means na it is the group's weekly lunch date. Si Maki na lang ang iniintay namin since kasama naman talaga siya sa tradisyon ito way way back. The conversation between us and the girls a couple weeks ago was a success. Naintindihan naman ng mga kaibigan namin ang kwento ni Maki at agad na humingi ng paumanhin dito dahil sa pag-iwan ng mga ito sa ere na agad namang tinanggap ni Maki.


The other girls was chatting but I did not join the conversation. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng e-mails sa aking phone habang hinihintay si Maki. Nakailang buntong hininga ako and occasionally ay nagpa-pout na parang batang inagawan ng candy until someone kissed my cheek na ikinagulat ko.


"I'm sorry, Babe! Nasungitan kita kanina. I just had a lot of work to do and sumabay pa yung dysmenorrhea ko so I was not in a good mood earlier. Alam kong di reason iyon but I'm sorry." Saad ng isang napakagandang dalagang humalik sa pisngi ko. Agad akong niyakap nito and I lay my head on her shoulder. I sighed again. But this time, it was a relieved one dahil at least alam ko nang wala naman pala akong kasalanan.


"Sorry na, please." She kissed my cheek again and this time I faced her and give her a smile.


"I thought I did something wrong. Can you tell me when you're not feeling well next time? So I would know?" I asked in a almost a whispered manner. Natakot talaga ako kanina. I just got her back, ayaw ko namang mag-away or magalit siya sa aking sa hindi ko alam na dahilan.


"Okay, Baby. Sorry na ha? I'll buy you ice cream later." She beamed at me and I grinned. Para akong batang nasuhulan. Someone cleared her throat at doon ko narealize na kasama nga pala namin ang mga kaibigan namin.


"Naku Maks, kung nakita mo iyong itsura ni Mj noong sinabi ni Pia na baka nasasakal ka na sa kanya eh baka maihi ka kakatawa! She also said na hindi niya alam kung bakit ka galit eh sigurado naman daw siyang wala siyang nalimutang anniversary or monthsary niyo kasi hindi mo pa naman daw siya ulit sinasagot." Natatawang kwento ni Kean. I blushed at parang gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. Minsan talaga, trip nila akong ipahiya.


"Aw, baby! Pero paano kita sasagutin kung hindi ka naman nagtatanong?" Pang-aasar pa lalo ni Maki na ikinatawa naman ng buong barkada.


"Wala, mahina pala itong manok natin, girls. Hindi naman pala nagtatanong." Sarah said at tumawa na naman sila. I huffed in annoyance dahil sa pang-aasar ng magaling kong mga kaibigan at girlfrie--- no, ng the love of my life.


Masaya silang kumain at ako naman ay tahimik pa rin. I'm still annoyed. Totoo naman iyong sinabi ni Maki na hindi naman talaga ako nagtatanong. Ang tanga ko nga naman kasi. Paano nga naman ako kasi sasagutin?! Ang bobo mo, Mj!


"M, huwag ka na sumimangot diyan, bilisan mo na lang magtanong. Sige ka, baka may mauna sayo." Kean smirked. Lalo naman akong napasimangot sa narinig ko.


"May nanliligaw ba sayo? May iba bang nagpaparamdam? Sino iyong mga iyon? Anong pangalan? Kahit pa mga CEO o Presidente pa siya ng Pilipinas, ingungudngud ko siya sa putikan? Don't they know that we're back together?! I know its not yet official but it will be soon. Makikita ng mga iyan talaga! Wait, I'll call Greg! Baka naman mamaya kaopisina mo pala yan! I'll snap that person in half kung sino man iy-----" Something stopped me from my rambling. Something that I missed for four years. It is still the same, soft yet so full. Maki just kissed me, on my lips! It was just a peck but damn! Kiss pa rin iyon. Yeah, we share a couple of pecks already pero kapag kaming dalawa lang. Maki was never fond of PDA kaya hindi naman ako nito kinikiss sa harap ng friends namin. I saw her smiled and blushed. Alam kong nagbablush na rin ako but I manage to give her my biggest grin. Our friends are all smirking. Akala ko ay iyon na ang pinakamalaking ngiting kaya kong ibigay, but that big grin of mine was doubled in sized ng marinig ko ang sinabi niya.




"Official or not, I'm only yours."





-------

Hi! (kung may nagbabasa pa) :D

Sorry if it seemed like free flowing ito. Basta lang ako sulat ng sulat ng kung anong pumasok sa isip ko eh. Anyway, hope you still enjoy at sorry for the errors. I don't really proof read it. hehehe


-G.

Last Shot at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon