c h a p t e r 0 4"Aray!" daing ko ng mabunggo ako ng isang maliit na babae.
Inis ko siyang tiningnan habang tumatayo mula sa pagkakatumba. Kung bakit ba kasi ginagawang running field ang hallway.
"Sorry po! Sorry, sorry talaga! Nagmamadali po kasi ako." yuko ng babae.
She looks like a freshmen student base sa suot niyang ID. Maliit lang siya at medyo chubby. Maputi siya at medyo kulot-kulot ang maiksing buhok nito. Tingin ko umabot lang siya sa balikat ko sa 5'7 kong height.
Bumuntong hininga ako at tumango sa babae.
"It's okay. Mag-iingat ka lang next time." mahinahon ko nang sabi sa kanya.
Tumango ito. "Sorry po talaga, Ate Zeleny." paumanhin niya ulit.
Napataas ang kilay ko nang masabi niya ang pangalan ko. Kilala niya ako?
Tatanungin ko sana kung ano ang pangalan niya ng biglang may sumulpot na babae sa gilid niya at hinawakan siya sa siko.
"Clara, tara na! Andyan na yung The Alphas. Naku baka mahuli na tayo!" excited nitong sabi. Ni hindi man lang napansin ang pagtaas ng kilay ko sa kanya. Payat ito at medyo may katangkaran kumpara sa kasama niya.
Nakatingin lang ito sa entrance gate ng school kung saan isa-isang may dumarating na mga kotse.
Nakita kong siniko siya ng maliit na babae na parang kinukuha ang atensyon nito. Kumunot ang noo ng babaeng at nanlaki ang mata ng makita ako.
"Ay! Ate Zeleny. Hello po." bati nito.
I frowned. Kilala niya din ako?
"Hi. Uhm.."
Nagulat ako ng bigla itong magtitili habang nagtatalon pa.
"Andyan na sila! Dali! Dali! Bye po ate" paalam nito. Dali-dali itong tumakbo habang hatak hatak ang kasama na kumaway lang sa akin so, I waved back at them.
Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang sunod-sunod na paglabas ng the alphas. Pinakahuling lumabas ang leader ng grupo. Si Thunder.
Did I mentioned his long hair? No? Okay.
Nakalugay ang mahaba nitong buhok na bumagay sa gwapo niyang mukha. Nakapamulsa ito while walking glorily like he owned it. Sa likod niya ang iba pang miyembro ng The Alphas.
Para silang artista habang nilalakad ang hallway. Girls are screaming their names na parang kulang nalang ay sambahin nila ang mga ito at lumuhod sa mga inaapakan nila.
Biglang tumahik ang maingay na hallway ng biglang may yumakap kay Thunder. He remained emotionless while looking at the girl. Nakilala ko ang babaeng nakabunggo kay Thunder. Siya yung kasama ng maliit na babaeng nakabunggo sa akin a while ago.
"S-Sorry po.. S-Sorry po." bahid sa pananalita nito ang takot.
Tiningnan siya ni Thunder.
Napasinghap ang mga tao nang bigla itong tinulak ng malakas ni Thunder dahilan para matumba ang babae. Natakot ako para sa batang babae dahil baka kung ano ang gawin sa kanya ng grupo nito.
Tumakbo ako palapit sa kanila. He shouldn't have done that! What a prick asshole!
Nagsalubong ang mata namin ng makalapit ako ng tuluyan. Nakita ko ang paglunok nito at mabilis umiwas ng tingin sa akin.
Kinagat ko ang labi ko at hindi pinansin ang inasal nito. Tinulungan kong makatayo ang babae at tinulungang ayusin ang nagusot nitong skirt.
"Are you okay?" tanong ko sabay check sa kanya.
Dahan-danan naman itong tumango at pinunasan ang matang may bahid na ng luha. Binalingan ko ang grupo nila at binalingan ng masamang tiningnan.
Jerks.
"You shouldn't have done that." matapang kong salita.
Wala akong pakialam kung ano mang gawin nila sakin. I had enough.
"It's none of your business, Miss." mayabang na sabi mula sa isang matangkad na lalaki na may pula na buhok.
"Shut up, Cole!" sigaw ni Thunder.
Tumingin ito sakin at agad din nag-iwas ng tingin. "Let's go." at nagpatuloy sa paglalakad.
Walang imik na gumilid kami kasama ang babaeng tinulungan ko. Tumigil ang lalaking may pula ang buhok sa harap ko.
"Pasalamat ka't di ka pinatulan ni leader. Tsk. Sayang ang ganda mo."
Tiningnan ko siya ng masama. Sasagot pa sana ako ng biglang sumigaw ng napakalakas si Thunder.
"What the fuck, Cole! I said let's go, you fucktard! Leave her alone!"
Nawalan ng kulay ang mukha ng lalaki at dali-daling humabol sa mga kasamahan niya. Tiningnan ko silang naglakad papalayo sa kinatatayuan ko.
Napakunot ang noo ko nang lumingon ang isa pang nitong kasamahan. At nagulat ako ng maalala ko ang mukha niya.
Siya yung lalaking nambastos sakin nong isang araw! And what the hell? Maraming pasa ang mukha nito.
Tinaasan ko siya ng kilay ng magsalubong ang tingin namin. Nanlaki ang mata nito at mabilis na nag-iwas ng tingin. Akalain mo naman ang karma oh.
***
"Ate, salamat po talaga ha?" ika-labing pitong beses na ulit na naman ng babaeng tinulungan ko kanina na si Belle. Inikutan ko lang siya ng mata dahil sa kakulitan nito.
"Again, you're welcome."
"Pero ate, tanong ko lang. Pano niyo po nagawa yun? I mean-yung pagpapaamo kay Thunder?" tanong ni Clara.
It's break time at nandito kami ngayon sa cafeteria ng school. Kasama ko ang dalawang freshmen. Pinuntahan nila ako kanina sa classroom para yayaing sumabay sa kanila.
Pumayag naman ako at nilibre pa nila ako bilang 'thank you' daw sa pagtulong dito kay Belle.
"What do you mean... pagpapa-amo?" pinaningkitan ko sila ng mata.
Ngumisi naman sila which gives me creeps feeling. Parang may binabalak 'tong dalawa.
"Eh kasi ate, parang ligaw na tuta kung tumingin sayo kanina si Thunder. Oh my god!"
What? Mukha ba akong dog whisperer?
"Di kaya?" dugto ni Clara.
Nagkatinginan silang dalawa at tumango sa isa't-isa bago nila ako binalingan ng mapang-asar na tingin.
"May gusto sayo si Thunder!" sabay nilang sabi.
My jaw dropped when they uttered those words. Uh— di ba sila nabubulol sa pinagsasabi nila?
"Are you kidding me?" di makapaniwalang tanong ko.
Sabay silang tumango habang nakangiti ng malalad. I held my hands up. "Dude, I'm innocent!"
"Ehh ate, nade-deny ka pa. Obvious kaya ate. Look oh." nguso niya sa likod ko.
They sighed dreamily habang nakatitig sa likod ko. Kumunot ang noo ko. This is ridiculous.
Tumingin ako sa likod ko. Only to find Thunder staring at us— or at me. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Our eyes met for a second before he looked away from staring.
What the heck?
Napairap nalang ako. Unggoy nga.
***
© iorikun xx
BINABASA MO ANG
His
General FictionWARNING: RATED 16+ || Young Adult Read EXCERPT: "Fuck Zeleny! Don't you get it huh?" sigaw niya sa 'kin na nanlilisik ang mata. "N-na ano? 'Di kita maintindihan." "That I freakin' love you! I'm obsessed with you! You unleashed the beast inside me...