8

73.3K 2.2K 388
                                    


c h a p t e r  0 8




Alam niyo yung larong tago-taguan or Hide and Seek sa english. Oo, yun!



Isang linggo ko nang iniiwasan si Thunder — or to be more clearer— ilang linggo ko na siya pinagtataguan. Katapos nang nangyari sa araw na yun, nakaramdam agad ako ng ilang.



Kung hindi pa kami naaubutan ng janitress na naghahalikan ay malamang nasa ibang level na kami nun. Diyos ko ano ba 'tong iniisip ko. 



"Bastos!" I shouted at sinampal siya ng malakas. Pagkatapos no'n agad akong tumakbo na hindi man lang siya nililingon. Sobrang nakakahiya.




Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko ngayon. Like— bakit niya ako hinalikan? Bakit siya galit sa'kin that day? Bakit niya ako sinundan sa CR ng girls? At anong ibig sabihin ng sinabi niyang 'you're mine'?



I am his, ganoon ba? His toy?




Ayoko nga. Ayokong may nang aakin sa 'kin. Sakal na nga ako kay Papa at Kuya dahil sa pagiging over protective nila. Tapos may dadagdag pang isa.




Kaya naman ginagawa kong alibi si Aaron para iwasan si Thunder. Palagi na kaming magkasama syempre kasama yung dalawa.


So far, effective naman.



He never attempted na lumapit sakin. Pag pupunta akong CR palagi na akong nagpapasama. Ayoko ng maulit ulit yung nangyari last week.




No, way!




"Zeleny?"



Di ko siya type kasi long hair siya!


So pag umikli yung buhok niya type mo na?



"Zeleny."



No way! No. No. A big NO.




"Zeleny? Hey!"




Napahinto ako sa pakikipagtalo sa bruha kong konsensya ng biglang may pumisil sa ilong ko at nagulat ako ng kanina pa pala ako tinatawag ni Aaron.

Shit. Nakalimutan kong kasama ko pala siya. Na-abduct na naman kasi ang kaluluwa ko ni Thunder. Kainis. Get out of my head!



"Are you okay? Kanina pa magkasalubong ang kilay mo." natatawang tanong sa 'kin ni Aaron.



Natigilan ako nang bigla niyang hawiin ang buhok ko sa balikat. He smiled. Napatanga naman ako sa ginawa niya at mabuti nalang na digest ko agad.


"H-Huh, Oo, okay lang ako. I was just—uhm— thinking?" patanong kong sagot.

You're thinking? That's new.





Arrrggh, bakit ba kasi ako binigyan ng panginoon ng bruhang konsensya.




"Oh, anyway.. malapit nang mag-bell, hatid na kita?" nakangiting yaya ni Aaron. Nagui-guilty tuloy ako sa panggagamit ko sa kanya.



Sorry, ikaw lang ang only escape ko from Thunder.



Tumingin ako sa wrist watch ko. And he was right,  malapit na pala matapos ang lunch. Ngumiti ako kay Aaron.



"Pwede ba?" nahihiya kong tanong.

Say yes. Say yes. Say yes.




"Of course, tara?" tumayo na siya at nilahad ang kamay sakin. Napatingin ako sa kamay niya at dahan-dahang inabot iyon.



HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon