Dedicated kay mjoanna_02 as promised, dahil naiyak ako sa mga posts niya sa message board ko. huhuhuh. Sana dumami pa ang maging katulad mo. God bless.
c h a p t e r 0 9"Mr. Radford!" napaigtad kaming dalawa ni Thunder dahil sa malakas na sigaw ng principal na namumula ang buong mukha nito. He was pointing at our direction habang mabilis itong lumalapit ito sa direksyon namin.
Napatayo kaming dalawa ni Thunder. I gulp as he came nearer. Pasimple kong sinulyap si Thunder na walang bahid ng kaba sa mukha nito. Nakapamulsa lang ito.
I heard him scoffed and muttered something na hindi ko masyadong narinig.
"This is all your fault. Kung hindi mo sana ako binuhat pa kanina hindi ako matro-trouble ngayon." Nangingitngit kong sabi habang nakatuon pa rin ang atensyon sa principal na papalapit.
"Tss." lang ang sinagot nito at marahang kinamot ang ulo.
"Mr. Radford! What's this madness all about? And I'm suprise that you're involved Ms. Marcelo! I can't believe this! To the principal's office. NOW!" bulyaw ni Mr. Anggu.
Yeah, ang weird ng surname ng principal namin. Pwedeng dugtungan ng 'rang', parang 'Ang gurang'.
"Could you shut the hell up! You don't need to shout old man!" sagot ni Thunder habang kinakamot na ngayon ang tenga.
Andami namang makati sa kanya? Naligo ba 'to?
Suminghap si Mr. Anggurang-este Anggu dahil sa pagsagot sa kanya ni Thunder. Geez, nagulat pa siya. Alam naman niyang walang sinasanto si Thunder dito eh.
I stayed quiet at pinakinggan lang ang pagbabangayan ng dalawa sa harap ko. Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses ni Mr. Ang gurang.
Yes, I'm finally gonna call him 'Anggurang' because he's annoying.
"I don't give a fuck, old man!" patuloy na walang galang na pagsagot ni Thunder kay Mr. Ang gurang.
Sheemay, kelan matatapos 'tong dalawa? Mabibingi na ako eh.
"Thunder, tumahimik ka na pwede?" I snapped at pinalo siya sa braso para makuha ang atensyon niya. Which is effective. Tumingin siya sa'kin ng matagal bago bumuntong hininga.
"Just lead the way, old man." baling niya ulit kay Mr. Ang gurang na namumula pa rin ang mukha.
Umirap ito at tumalikod sa'min ni Thunder.
I just sighed at sinundan si Mr. Ang gurang. Napahinto ako sa paglalakad dahil naramdaman kong hindi pa rin sumusunod si Thunder.
I looked back kung saan siya nakatayo at nakita kong nay hawak itong cellphone na nasa tenga niya. He looked pissed alright.
Nagsalubong ang mga mata namin at mabilis ko lang siyang inirapan. Bwesit! If it wasn't for his kabaliwan, I would've been in this predicament.
Shit lang. Patay ako nito sa parents ko kapag pinatawag pa ni Mr. Ang gurang ang parents ko. I'm really gonna kick Thunder's treasure kapag nangyari iyon. This is all his fault!
"Hey wait up!" I heard him say.
Hindi ko na siya pinansin at diretso lang tumingin sa daanan. I was busy glaring at Mr. Ang gurang's back nang may biglang humawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
His
General FictionWARNING: RATED 16+ || Young Adult Read EXCERPT: "Fuck Zeleny! Don't you get it huh?" sigaw niya sa 'kin na nanlilisik ang mata. "N-na ano? 'Di kita maintindihan." "That I freakin' love you! I'm obsessed with you! You unleashed the beast inside me...