First Day of Class"Louieeeeeee! Bumangon kana nga dyan. Anong oras ba pasok mo?! Aba! Baka nakakalimutan mo na hahanapin mo pa yung room mo unang pasok mo palang late kana agad!"
"Ma, 11 pa ang pasok ko! 8:30 palang oh!"
Tamo talaga tong si Mama mas excited pa pumasok kaysa sakin.
"Hay nako ka talagang bata ka! Napakabatugan mo! Akala mo napakalapit ng papasukan mo! E halos isang oras ka kung maligo tapos ang byahe mo 45 mins! Tas hahagilapin mo pa kung saan ang room mo. Kaya bumangon kana dyan at maligo kana don!"
"Fine! -_- Sabi ko nga po maliligo na ako. At papasok na."
***
Saan ko kaya mahahagilap tong Room namin na'to. Jusko! Kanina pa ako pabalik balik dito sa 1st floor hangang 3rd floor. Inuugat na yata ang mga binti ko kakapari't parito. Mabuti pa talaga magtanong na ako.
"Uhmm. Ate! Excuse po. Pwede pong magtanong? Alam nyo po ba kung saan tong Room 301?" Sabay ngiti ko sa kanya.
"Ay sa 3rd floor yan Miss! Gusto mo samahan na muna kita? Tutal wala pa naman yung prof namin." Siguro naaawa na sya at kanina pa ako mukhang nagfa fashionshow dito.
"Ay talaga po? Nakakahiya naman po."
"Hahaha. Okay lang. Ano? Tara?" Alok pa nya.
"Tara! 😊"
"Miss, ayan na. Masyado kaseng gilid tong isang room kaya siguro di mo napansin."
"Ayy oo nga po! Ahaha. Thank you nga po pala." Sabay ngiti ko sa kanya at nag smile din sya at umalis na din agad.
Ano ba naman yan napaaga pa yata ako lahat kami nasa labas. May nagkaklase pa pala. 😑
Ate! ECT 1-J po kayo?" Sabi ni Ateng nasa labas din at kami palang kase babae at infairness mukha syang Friendly.
"Ahh... Oo. Ikaw ba?"
"Opo. Magkaklase po pala tayo. :) Ako nga po pala si Julie. :)"
"Ehem! Wait lang ha. Dyan muna kayo sa labas at maglilinis muna sila. Pero habang nag iintay kayo paxerox nyo na muna ang COR nyo." Sabi ng isang medyo matanda ng lalaki. Mukhang sya 'yung magiging Prof namen. Mukhang masungit!
"Ahmm. Tara paxerox na tayo?" Habang nginitian at tinanguan ko nalang sya.
*Matapos namin magpaxerox ay bumalik na kami agad sa room at buti nalang at nagpapapasok na.*
Namimiss ko na talaga sila, ang mga kaklase ko nung hs. Hayy nakakainip naman dito. Wala ako sa mood daldalin sila baka masabihan pa ako ng mga 'to ng Feeling Close. Kaya itetxt ko nalang mga kaibigan ko kung kamusta na ang unang araw nila sa klase.
Itetxt ko na sana sila ng biglang nagtawag na ng mga pangalan si Sir. Habang hawak hawak ang mga COR. At don ko lang din nakita ang mga kaklase ko. Infairness! May itsura ang iba.
"Zepida!"
"Present po." Sabay taas ng kamay.
"Hmm. Saan ka gumraduate at taga saan ka? Totoo ba ang nakalagay sa COR mo na wala kang babayaran? Full scholar."
"Sa Calumpit po ako gumraduate at nakatira Sir. Totoo din po na wala akong binabayaran."
"Talino siguro nya. Ang galing!" Sabi ko sa isip isip ko.
Habang sa patuloy sa pagtawag ng pagtawag ng pangalan si Sir
Ay may isang nakapukaw ng pansin ko.
"Aricheta!" Kasabay ng pagtawag ni Sir ay ang pagpasok ng isang estudyante pa. Walang sumasagot kaya inulit nanaman ni Sir.
"Arichetaaa!"
"Seeer! Sorry Im late. :)"
Jusko! Napakagwapong nilalang naman neto. Nag slowmo ang paligid ko habang patuloy pa rin syang nakangiti.
"Constantino!"
"Constantino!!" Nabalik ako sa katinuan ng tinatawag na pala ni Sir ang pangalan ko.
"P-po? Present!"
"Taga saan ka iha? At saan ka graduate? Kanina pa iyan ang tanong naten "
"Sa COLM po. Taga Pulilan." Sabay upo na agad ako. Jusko nakakahiya unang araw ko palang dito.
"So, 7 lang pala ang babae naten. At 35 ang lalaki. Baka mga next week na tayo magdiscuss about sa subj naten. This week orientation lang muna kayo. Okay, class dismissed."
"Tara! San tayo magla lunch?" Sabi nung isang babae. "Ako nga pala si Adhe." 😄
"Anne Louise. :)"
Hi! Im winnie."
"Julie nga pala. Magkakilala na kami ni Adhe dahil nagkasabay kami magpa enroll." Sabi ni Ateng Friendly.
"Catherine nga pala." Sya yung pinaka maingay unang araw palang.
"Hi! Im diane." Sya naman yung parang siga na mataray.
"Hello Guys! Queeney nga pala"