Contact Number
"Abalos"
"Siiir!"
"Constantino!"
"Sir! Present."
"Navarro!"
"Sir. Present po."
Zepida!
"Sir!"
"Uhmm...Ano ba to? Ak--kim-..?" Patanong na sabi ni Sir. Ng medyo nahihirapan na sya sa pagbibigkas ay tinawag nalang nya ito sa apelyido.
"Bañez! Ano ba basa dito sa pangalan mo na 'to."
"Sir, Akimbo Yzaqiel po."
"Ah. Ano apelido mo? Akimbo o Banez?"
"Banez po Sir."
"May lahi ka ba? Or half ? Kakaiba pangalan mo ha. Hirap bigkasin" Natawa naman ang buong klase sa sinabi ni Sir dahil ang lakas maka aso ng pagkakasabi ni Sir. Hahahaha!
Habang kinakausap ni Sir yung lalaking yun mga nakatingin naman sakin tong mga kaibigan kong babae. Sa totoo lang di sila halata! -_-
"Anne! Diba sya yung crush mo?" Pabulong na sabi ni Cath.
"Ha? Ahh.. Eh.. o-oo! Wag ka na masyadong maingay dyan baka may makarinig sa'yo at mapagalitan tayo ni Sir" Sabi ko ng may pag aalinlangan dahil di naman talaga sya ang gusto ko kundi si Derick lang. Pero mukha naman syang cool tingnan.
Ng matapos na mag Attendance si Sir ay may kumatok sa pinto. Si Maam Dolly!
Si Ma'am Dolly ang Dean sa aming Departamento sabi ni Sir Recto.
Mukhang may meeting sila. Kaya maya maya lang lumabas na din si Sir at iniwan na muna kami sa room.
Maya maya may papel na nasa harap ko na.
"Para saan to Cath?" Sabi ko.
Pero maya maya lang nilakasan nya na boses nya na madidinig sa buong room."Guys! Pakilagay nalang yung contact # at pangalan nyo dito sa papel ha? Thankyou.'
At nilagay ko na nga contact # at pangalan ko at ipinasa ko na sa iba. Ng makabalik na kay Cath ang papel nya biglang lumapit sa kanya si Julie.
"Cath! Pakopya ako nung mga pangalan at Contact #?" Julie
"Mga pangalan nga ba O baka ni ano lang?" Pang aasar ko ke Julie at tumawa ako ng nakakaloko.
"Hoy Anne, wag ka ngang maingay dyan." Pagsasaway sakin ni Julie.
"Osige. Eto oh! Konti lang ang nagsulat. Pasaway talaga yung iba." Banggit ni Catherine habang tinitingnan ang papel at sinusuri kung ilan ang di nakapagsulat.
"Oo nga no. Pati si Riggo wala." Medyo malungkot na sabi ni Julie.
Kinabukasan si Julie naman ang nagpapalibot ng papel at nagpapasulat ng Contact #. At ayun halos nakuha nya karamihan sa mga kaklase namin ang mga #.
"Anne, nakuha ko na yung # ni Riggo. Pati kay Akimbo nakuha ko na!"
"Oh? Anong gagawin ko?"
"Ede itxt mo na. Eto # dali. 09437282921"
"Ayoko nga."
"Dali na."
"Eh? Ano gagawin ko dyan?"
"Malamang itetxt mo."
"Ako talaga?"
"Oo nga. Dalian mo na kunin mo na."
"Sige na nga. Oh," sabay bigay ko ng cp ko sa kanya.
"Yan na Anne."
"Ahmm.. Ano Julie, ke Derick wala ka?" Sabay bigay ko ng ngiting box na box na mala-domo. Hahahaha!
"Syempre meron! Hahaha."
"Daya talaga, manong iyon nalang inalok sakin na ibigay."
"Kapag kay Derick ang bilis ah."
"Alam mo 'yan. Hahahaha!" Kinuha ko number ni Derick pero wala din naman akong balak itxt 'yan. Wala display lang din sa contacts. Hahaha