Time check: 3:07 am. Umaga na pala. Juskooo!! Anong oras palang pala. Ang aga ko nagising dahil sa sobrang kahibangan ko kahapon, walangyang yun. Sa uli uli nga ayoko na kasabay 'yung dalawa na yon, ang aga ko nakakatulog at aga din nagigising bukod pa don napagkakamalan akong baliw.
Nagbukas nalang muna ako ng data at nag fb dahil wala naman akong ibang magagawa ng ganto kaaga. Hanggang sa di ko namalayan na alas syete na pala at na naubos na ang oras ko sa kaka-fb. Tumayo na ako ng higaan dahil 8:00 nga pala ang pasok ko male-late na naman ako neto. Juskooo!!
Naligo na ako at madaling madali sa paggayak. Ng pagbaba ko sa dyip at naglalakad na ako ...
"Pssst!"
"Pssst! Huy!"
"Anne Louise! Hoy!! Ano? Bingi ba?"
Lumingon ako at pagtingin ko ay si Justine na naman pala na akala mong preskong presko sa paglalakad na parang walang hinahabol na oras.
"Uyy! Ikaw pala yan."
"Ayy hindi picture ko lang 'to" Sabay turo pa nya sa mukha nya.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan eno? Dalian mo naman sa paglalakad akala mo di ka late."
"Yun na nga e. Late na tayo kahit anong madali pa gawin naten dyan late na rin tayo."
"Hay nako justine! Ewan ko sayo."
"Nga pala bat ganyan itsura mo ngayon?" Pag uusisa nya.
"Huh? Bat may dumi ba ako sa mukha?" Paghawak ko sa mukha sabay tingin sa kanya.
"Hindi! Yung mata mo parang ang gara. Puyat ka ba? Di ka ba natulog?"
"Haaa? Ahh... hindi ah ganyan lang talaga yan. Ewan ko dyan. Dalian mo na baka nagtuturo na si sir."
Pumasok na kaming dalawa sa room at saktong nagtuturo na nga si sir recto.
"Anne! Dito kana tabi tayo." Ani ni Justine.
Tumango nalang ako at nakinig na kami kay Sir. Ng maya-maya pa ay...."Nga pala, ano nangyare kahapon? Nagkausap ba kayo?"
"Alam mo chismoso ka din eno?"
"Eto naman nagtatanong lang e. Ano nga?"
"Wala! Makinig kana kay Sir."
"Eto naman napakasungit. Pero nagkakatxt kayo?"
"Oo. Minsan."
"Tungkol saan?"
"Ede sa school. Mga activity lang ganon. Ano gusto mo?"
"Pero kinikilig ka sa kanya?"
"Hindi no!"
"Talaga ba anneng? E bat namumula ka riyan?"
"Hoooy! Baka naman Justine"
"Bat nga pala absent yun?"
"Abe malay ko don di naman nagtxt."
"Ede iniintay mo nga magtxt?"
"Hoy! Wala akong sinabing ganyan."
"Hoooy!! Bat ba ang ingay dyan sa likod." Pananaway ni Sir Recto.
"Makinig ka na nga lang." Pagsasabi ko kay Justine na tatawa tawa.
"Basta ha. Sabay ulit tayo umuwi."
"Heh! Bahala ka riyan." Pagsusungit ko kay Justine na di magkandaugaga kakatawa.
At eto na nga at huling subject na at malapit na mag uwian.
"Uy Anne, sabay tayo ha."
"Oo na! Wala naman akong magagawa."
"Hahahahaha. Nakakatawa ka talaga maasar no. May sasabihin din kase ako sa'yo."
"Ano na naman 'yan?"
"Mamaya na pag pauwi."
"Hay nako justine. Puro kabugukan na naman 'yan natitiyak ko."
"Hindi ah. Totoo na 'to."
*okay class dismissed*
"Anneng, ano tara na?"
Tinanguan ko nalang sya bilang tugon sa sinabi nya.
Tahimik kaming naglalakad dalawa ng biglang....
"Hoy! Ano ba? Bat wala ka yatang imik dyan?"
"Ah wala pagod lang." Ani ko kay Justine.
"Alam mo ba nagkakwentuhan kami ni Akimbo."
"Oh? Ano sabi?"
"Galing ah! Kanina pagod tas ngayon medyo nabuhayan."
"Tagris naman neto puro kabugukan!"
"Hindi seryoso na Anne. Nagkausap kami isang beses. Sabi nga nya ano daw ba nakita mo kay Abcde. Binigyan ka pa nga daw nya ng chocolate na galing sa mommy nya sabi ko nga dapat kase sinabayan mo ng I love you! E napakatorpe ka ko."
"Bugok! Paasa ka rin eno."
"Ayy si Anne mukha ba akong nagbibiro? Totoo yan. Kilala mo ako pag nagbibiro. Sinabi ko lang sayo ng matauhan ka. Hahahaha!"
"E wala naman syang sinasabi. Saka okay na rin sakin yung ganto lang kami crush ko lang naman sya. At hanggang don lang yun."
"Ikaw bahala. Sinabi ko lang naman kung ano yung napag usapan namin."
"Sigesige. Salamat."
"Wala yun ano ka ba! Nasa sayo na yun kung paniniwalaan mo yan basta ako di ako nagsisinungaling at bat kita papaasahin magkaibigan tayo."
Nginitian ko nalang sya. Mapalad pa din ako dahil kahit di pa nagtatagal na ako'y nasa kolehiyo ramdam ko na nakahanap na ako ng isa sa mga tunay na kaibigan.