Girls Talk
Habang naglalunch kaming 3 nila Adhe at Cath sa isang Fast Food Chain ay napag usapan na namin na marami ding may itsura sa mga kaklase namin na lalaki.
"Sino pinaka crush nyo sa room?" -Cath
"Hmm. Wala!" Matipid kong sagot.
"Si Diane si Derick e! Ikaw Adhe sino crush mo?"
"Yun din si Derick! Diba iyon yung kanina yung nakapayong?" Adhe
"Yaah. Yun din crush ko e. Ikaw anne sino nga kase? Di naman naten pagsasabi.
"Sige na nga, sa totoo lang sya din. Hawig kase sya ni Daniel Padilla tsaka mukhang mabait. "
"Owemgee! Ultimate crush naten sya!" Sagot ng tuwang tuwa si Adhe.
Ng makarating na kami sa labas ng susunod naming room nagsasalita na naman si Catherine.
"Pero bukod kay Derick sino pa crush nyo. Dapat meron! Nauna na ako magbanggit kay Derick e."
"Yung mataba! Na medyo maputi. Yung Riggo!" -Julie
"Ikaw Da? Sino gusto mo bukod kay Derick?"
"Si Aldrin." -Diane
"Queeney, ikaw?
"Ahmm. Si Ahmad." 😊
"Winnie, ikaw sino?"
"Si Ivan sakin"
"Ikaw Anneng?"
"Wala na si Derick lang naman talaga gusto ko."
"We? Hindi pwede kailangan meron. Hahahaha!"
"Oo nga! Dapat may isa pa bukod kay Derick. Hahahaha!" Pagsasang-ayon pa nila sabay sabay kay Catherine. Pahamak talaga e! Jusko! Kailangan ko maghanap hanap sa mga kaklase ko. Sino ba? Sino ba pwede ituro?! Natataranta na ako.
"Ayun. Yun yung crush ko." Sabay turo ko dun sa medyo chinito namin na kaklaseng lalaki. Mukhang mabait at tahimik naman sya. "O yan ha. Okay na!"
"Saan? Alin don?" Sabi ni Catherine na medyo naguguluhan kung sino ba sa mga kaklase ko ang itinuro ko.
"Ayun nga o! Yung nakaupo na yon yung maputi."
"Ahh.. Nakita ko na!"
"Ikaw Adhe? Sino?" Pagpapatuloy ko sa topic namin.
"Hmm si Ivan."