Ng malaman nila na may number na ako ni Akimbo dahil binigay ni Julie. Itxt ko na daw kahit "Hi." nagrereply naman daw, pagkakataon na. Nung una ayaw ko talaga, nakakahiya kaya. Tapos baka tanungin bukas kung sino yung nagtxt sa kanya kahapon Edi yari! May pasok pa naman kami bukas.
"Dali na Anne! Hi lang naman jusko!" Pagpupumilit din nitong si Queeney habang nandito kami sa heroes park.
"Oo nga dali na!"
"Huy ayoko! Nakakahiya. "
"Dali na! Nagrereply naman daw 'yan tyaka may load yata 'yan ngayon."
"Ehh.. Ayoko talaga."
"Ayy nako. Pag di ka pumayag ako magtetxt dyan at magpapakilalang ikaw."
"Mga buguk!"
"Dali na kaseeee!"
At dahil nakulitan na ako kakapilit nilang dalawa, Pumayag na ako. Ako kase yung tipo ng babae na mahilig din sa Adventure.
Uwian na at pinag iisipan ko pa rin kung itetxt ko ba sya or what.
Lalo lang ako kinabahan dahil umamin na pala si Queeney kay ahmad na crush nya ito. Pero parang sinabi 'yata ni Ahmad na may Gf sya.Tetxt ko na ba talaga? O sa susunod nalang kaya?
"Sis! Itext mo na si Akimbo dali!" -Queeney
"Oo nga Dali na!" -Winnie
"E ayoko. Natatakot ako."
"Sige na. Magha hi ka lang naman tsaka para ma save na din nya number mo. Hahahaha!" -Queeney
"Ayy nako. Kahit wag na nya i-save. "
"Dali na Sis. Pagkakataon na yan."
"E ano naman sasabihin ko?"
"Mag Hi ka ganon. Tapos lagyan mo smiley."
"Seryoso?! Baka di naman magreply yon. Mapahiya pa ako."
"Atleast sinubukan mo. Dali na! Pag di mo tinext kami mag tetxt dyan sa cp mo."
"Ah.. Sige na nga!"
Mayamaya lang ay nagtipa na ako sa cp.
"Hi! :)" Pagka send ko ay bigla akong nakaramdam ng takot at kaba.
*tooot tooot*
Gotcha! Nagreply na wala pang ilang minuto.
"Who's this?" Wow! Englisero ang lolo mo.
"O ayan nagreply na. Ano na sasabihin ko dito?! Dalian nyo!" Balita ko sa dalawa na kanina pa nakatingin sa akin at nakangiti.
"Ikaw na bahala. Diskarte mo na yan Sis. HAHAHAHAHA! Pakilala kana."
"Juskooo! Dali na ano sasabihin ko? Di ko alam. Kayo nagtulak sakin na gawin to e!" Paninisi ko sa kanila at natataranta dahil di ko alam ang gagawin.
"Pakilala ka lang na kaklase naten ganon. Hahahaha! Wag ka mataranta." Pang aasar ni Queeney.
"Si Anne Louise to. Yung kaklase mo. Hahaha. Nakuha ko # mo kay Julie."
"Ah okay. Save ko nalang."
At nagpatuloy na kami magkatxt. Halos madalas na din kaming nagkakatxt simula non tuwing may Assignment o kaya kapag absent sya madalas sakin sya nagtatanong. Pero bihirang bihira kami magpansinan sa personal. Nakakahiyaan ganon, basta mas close kami sa txt.
Isang araw may natanggap akong txt.
*toooot tooot*
•ECT: Akimbo•
"Pasabi di ako makakapasok sa isang major subj bukas. Susunduin ko kase si Mama sa Airport."
"Sige, Sabihin ko nalang kay Sir."
"Sige, salamat ha? :) "
"Walang anuman."
"Sigesige. Bigyan nalang kita chocolate bukas. Jk! :)
"Wala na. Sinabi mo na e. Wala nang bawian! HAHAHA. "
"May Jk sa dulodiba? XD
"Daya mo! HAHA
"Osige kapag nakakuha ako bukas. :)
"Sabi mo yan ha sigesige. Salamaat! :)
" Hahahaha Sige"