Dyip
Kinabukasan don na nag umpisa na maging malala na ang tuksuhan samin ni Akimbo. Marami na din nakaalam na sa kanya galing ang chocolate na dala dala ko noon. Hanggang dumaan na din sa puntong magkausap lang kami ay may mga matang nakatingin at may mga nakangisi na talaga nga namang masasabi mong nakakaasar na nakakailang at the same time. Nandyan din yung ibang bigla nalang mag-a "Ayieeee" kapag nakitang magkausap or may tinanong lang sakin, pero di 'yun naging dahilan para umiwas sya o mailang. Siguro, dahil sa alam nyang "makitid" or di kaya biro lang ang lahat. Kumbaga nakiki go with the flow sya kung tawagin.
Nakikinig na kaming lahat sa Prof ng may biglang magsalita, yung katabi ko pala.
"Taga-saan ka? Saan ka sa pulilan?" Pagtatanong ng isang lalaking medyo katangkaran na napakapayat.
Tiningnan at tinuro ko muna ang sarili ko ng makasigurado kung ako ba talaga ang kinakausap nya.
"Ah ako ba?"
Tanging tango lang sinagot nya sakin.
"Ahh sa may longos, sa may pa-liceo lang. Ikaw ba taga-saan ka? Anong pangalan mo?"
"Justine. Sa plaridel lang ako, kung gusto mo sabay na tayo minsan umuwi. May kasabay ka ba?"
"Ah ano e, osige ikaw bahala." Gusto ko sanang tanggihan hindi dahil sa nagmamaganda ang Ate nyo pero dahil aaminin ko medyo na-creepyhan ako sa kanya. Kase kakakilala lang namin tapos ganon na agad malay mo mamamatay tao pala okaya sindikato diba mabuti na yung nag iingat. Hahahaha! Joke! Pero naisip ko rin na baka friendly lang talaga sya at gusto lang talaga ng may makasabay dahil dapat kase open ang isip naten sa mga bagay. Malay ba naten na di sya marunong o sanay umuwi mag isa diba? Hahahaha Gusto ko rin naman makahalubilo at makasundo ang lahat ng kaklase ko lalo na't bago lang kami lahat. Kaya di ko na rin tinanggihan ang offer nya.
Uwian na..
"Anne uuwi kana? Sabay ka ba?" Sigaw ni Justine ng natapos ang klase.
"Ahh oo, wait lang CR lang ako."
"Sige, intayin nalang kita sa baba ha."
"Osige."
Nang matapos na ako mag CR ay bumaba na ako para hanapin si Justine at ng makauwi na. Yun pala nandon sila nakatumpok sa isang gilid kasama ang iba naming kaklaseng mga lalaki. At nagulat ako ng kasama din doon si Akimbo. Palapit palang sana ako sa kinaroroonanan ni Justine para makihalubilo pero nakita na nya ako at bigla na syang tumayo agad at nagpaalam na sa mga kaklase namin.
"Sige na mga pre una na kami. Bukas nalang."
"Sige pre!"
"Tara na? Nga pala, sabay daw 'to. Pa pulilan din pala 'to e. Sa may San Rafael daw uuwi. Okay lang ba?" Pagtatanong ni Justine, pero mukhang wala naman syang alam tungkol sa asaran samin. Yata. Sana. Dahil pag nagkataon madadagdagan na naman ang mga mambubwisit sakin.
"Ahh.. O-oo, ayos lang!" Pero deep inside jusko namaaaan!! BAKEEEET?? Maski pag uwi ba naman. Sana lang di ako mailang.
Naglalakad na kami sa may maingate papunta ng Capitol para doon sumakay. Sabay silang dalawa na naglalakad habang ako nasa likod nila.
"Uy Anne, ayos ka lang ba? Ba't ka andyan sa likod dito ka sa gitna oh, okaya dito sa gilid. Baka mapano ka dyan."
"Ahh.. Sige. Okay lang ako hehe ano lang may iniisip lang ako."
"Wag mo isipin yun, mahal ka non."
"Ayy hahaha hindi, iniisip ko lang kung saan tayo may assignment." Pagdadahilan ko kahit wala naman ako pakielam kung may assignment dahil kinabukasan rin naman ako gumagawa sa room. Hahahaha!
Ng makarating na kami sa sakayan ay ang daming nag aabang. Punuan din ang mga dyip. Kaya minabuti na muna namin kumain ng chicken pops at buko. Ng matapos na kami kumain ay medyo maluwag luwag naman na ang mga dumadaang dyip.
"Uy ayan na oh. Pa-pulilan ang luwag." Pagyayaya ko sa kanilang sumakay dahil anong oras na din kase.
"Sige. Tara dyan na tayo." Ani ni Justine. Pinauna nya ako sumakay at umupo ako sa dulo ng dyip yung malapit sa babaan at pinasunod nyang sumakay si akimbo.
"Doon kana oh! Tabi na kayo! Ang luwag pa doon oh" Pagsasabi ni Justine kay Akimbo.
Tiningnan ko lang si Justine na bakas ang gulat sa mukha ko. Buong akala ko ay wala syang alam. Pero mukhang nagkamali ako.
Nasa tabi ko na sya. Nararamdaman ko ang balat nya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko parang ang lamig ng paligid yung daig pa yung tinatawag ka ng kalikasan. Tuwing dadampi ang braso nya ay para akong nakukuryente dahil kusa ko itong inilalayo agad. Kunwari ay nililinis ko nalang ang sapatos ko dahilan para yumuko at para maayos ako umupo pagkatapos.
Habang nasa byahe ay tahimik lang ako at nakatanaw sa dinadaanan namin habang sila ay nag uusap.
"Uy Anne, kanina ka pa tahimik dyan?"
"Ahh haha. Wala, pagod lang ako."
"Buong byahe ka yata tahimik? Malapit na akong bumaba. Hoy akimbo, kausapin mo si Anne ha. Para naman di maging boring byahe nyo." Sabay tawa neto ng medyo may pagkalakasan at may halong pang aasar.
Nginitian nalang namin sya. Pero sa isip isip ko lang pinaglalamayan at ibinuburol na sya. Hahahaha!
"Oh eto na pala. Para! Kuya sa tabi lang ho. Oy kayo ingat kayong dalawa. Hahaha!" Ewan ko pero feeling ko napagtripan kaming dalawa ni Justine.
"Uy Sige, ingat! Bukas nalang" Pagpapaalam ko kay Justine pagkababa nito.
"Ingat." Matipid na Sabi ni akimbo
"Tapos mo na yung kay Sir Arnold?" Medyo napapitlag ako sa kinauupuan ko ng bigla syang magsalita.
"Ahh.. Oo! Hehe daming pinapagawa 'non haha"
"Nainis nga ako don e."
"Uy malapit na din pala ako bumaba, Sige na bukas nalang." Nakakabastos man sa kanya pero di ko na natanong kung ba't sya naiinis kay Sir.
"Tabi lang ho! Para!" Tinapik ko sya sa tuhod at "ingat" yun ang huling kataga na sinabi ko bago ako bumaba. Ng makatayo na ko ay may narinig ako "Ingat ka din" napakahina pero sapat lang ang lakas para marinig ko at ng ilang pasahero sa dyip at tinanguan ko nalang sya. Simpleng salita na sinasabi ng kaibigan pero habang naglalakad ako ay nagpaulit ulit ito sa tenga ko. Juskopo naman! BAKEEEET?!
Ng nakarating nako sa bahay ay minumulto pa rin ako ng mga salitang yun na dapat di ko naman iniisip kase diba natural lang na magpaalam din sya! Heller!
"Huy! Para kang tanga dyan. Napapano ka ba?" Sabi ni Ate pagkapasok sa kwarto. Kanina pa kase ako pagulong gulong sa taas ng double deck. Muntik pa nga ako mahulog kakaikot.
"Wala. Ang sakit kase ng ulo ko. Iniisip ko pa yung activity na gagawin bukas."
"Hay! Ewan ko sayo para kang baliw dyan ikot ka ng ikot kung nadudumi ka andon naman yung CR hindi yung naggaganyan ka dyan." At lumabas na ito para manood ng TV.
"Hindi naman ako nadudumi e. Baliw!" Nakakatawa naman isipin pero OO, sa simpleng ingat lang na yun ay sobrang tuwang tuwa ang puso ko. Iniiwasan ko ng isipin yun dahil natural lang naman talaga yun at kahit na sino naman na kaklase namin ganon din sasabihin nya. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ko sa sobrang pag iisip ko tungkol doon.