Fiesta
June 30, 2015 Tandang tanda ko 'to. 2nd year, 1st sem 'to.
"Oy guys! Punta tayo kala Gab ha. Iniimbita nya tayo sa kanila. Naghanda mama nya." Pagyayaya na naman ng Presidente namin sa klase at sa galaan, si Catherine. HAHAHAHHA
"Ehh? Di ako makakasama. Wala akong baon na damit. Mababasa na naman ako. Kayo nalang. Hatid ko nalang kayo sa sakayan uuwi na ako." Sabi ko kay Catherine.
"Oo nga Anne. Sabay na tayo, uuwi na din ako e. " sabi pa ni Ivan
Si Ivan ay naka close ko na rin. Madaldal si Ivan, pala-kwento at maasahan naman. Madalas kami magkasabay na umuwe lalo na pag hirap na hirap ako at punuan ang jeep.
"Kj netong dalawa. Sige na tara na. Hawakan nyo sila wag nyong patakasin." pag uutos ni Catherine sa mga kaklase naming gustong sumama.
"Hoy Cath! Nababaliw kana ba? Wala nga akong damit." Habang tinatanggal ko kamay nila sa braso ko.
"Papahiramin kita meron ako dito. Dalawa tong dala ko oh."
"We? Patingin nga ako bwisit ka." Inuuto ko na ipakita nya para sana makatakas kami. Kaso habang kukunin nya sa bag ay nag utos sa isa na hawakan muna ako sandali para di makatakas.
"Eto oh!"
Sabay pakita nya ng sleeveless at short na utod na utod.
"Jusko! Napakaikling short naman nyan. Baka itakwil ako samin pag nakitang ganyan suot ko. Tsaka di ako nagsusuot ng ganyang damit."
"Anneng tara na kase. Minsan lang oh. Oh ayan na pala yung bus. Tara na guys hawakan nyo yang dalawa na yan."
"Bwisit! Hoy Ivan paano na yan? Tara uwi na tayo."
"Hay. Hayaan na nga naten minsan lang naman. Tsaka don lang tayo sa bahay nila Gab di tayo magbabasa."
"Talaga! Dahil wala akong damit no!"
Habang nasa bus kami ay maisip kong lokohin nalang si Gab na kunyare di ako kasama. Bwahahaa!
"Hello Gab? Hmm. Di na kami makakapunta dyan. Sorry!"
"Yah gara. Bakit?"
"Kase wala akong baon na damit e. Eto kausapin mo nalang sila. Eto si Aldrin."
"Hello Gab! Papunta na kami dyan."
Bwisit talaga tong si Aldrin kahit kailan. Di kami makakapagjoke talaga kapag ito kasama. Si Totoo talaga e
"Oh malapit na tayo kala Gab. May mga nakaabang na pala pagbaba kala Gab."
Ang inaasahan namin na di makakapagbasa ay mababasa at mababasa pala talaga kami. Ganto pala ang Tradisyon dito sa Apalit.
Pagtingin ko yung iba may hawak na timba at tabo. Binabasa nila yung mga nagdadaan. Yari na talaga ako neto pag uwi ko sa bahay mamaya."Oh! Akala ko di na kayo makakapunta."
"Di naman talaga ako pupunta. Si cath lang e. "
"Hahahaha. Minsan lang naman kase. "
Pagtapos kumain ay nagyaya na sila lumabas.
"Oy tara di ba kayo lalabas? Tara na di nyo mafifeel ang fiesta dito kung di kayo lalabas."
"Wala nga akong damit. Matutulog nalang kami dito tsaka manunuod ng movie."
Sige kayo bahala.
Habang umalis na sila para makipagbasaan sa labas kami ay naiwan nila Adhe, Jay at Kyle na nanunuod ng movie at nakahiga habang nagkukwentuhan.