CHAPTER TWO
Manila, Philippines
-Kirk’s POV-
“Kirk! Sa likod mo!” I turned around and punched the bastard behind me. Wew. Knockout ang loko. Tinignan ko ang paligid. Okay. Tulog na ang mga unggoy.
“Woo, pare! Astig ka!”
“Astig? Astig dahil di niyo man lang ako tinulungan?”
“Wag ka ng mag-tampo, Kirk. Kinaya mo naman silang lahat, e.”
“Psh. Nang-uto pa. Mga siraulo.” Tumawa nalang sila sa sinabi ko. Mga siraulo talaga. Tsk. Tsk.
“Teka, lakad tayo ng lakad dito, sa’n ba tayo pupunta?” tanong ni Dale-isa sa mga bugok kong kaibigan.
“Tanga, sa school, malamang.” Siya naman si Hade-isa pang bugok.
“Aray! Ang hard mo, pare! Na-hurt ako! Ajuju!” at umakto pa siyang parang nasasaktan talaga habang nakalagay ang dalawang kamay sa dibdib.
“Nasaktan ka ba, babe? Sorry na.” nagyakapan silang dalawa sa harap namin ni Rem-na habang buhay na atang pipe.
Nakakadiri silang dalawa!
“Nasan ba si Rio?” tanong ko ng may makausap namang matino dito. ‘Yun lang kasi ang ‘medyo’ matinong kausap sa kanilang lahat.
“Aba, malay namin. Hanapan ba kami ng nawawala?” kahit kailan talaga pilosopo ‘tong si Dale, eh noh? Sarap lang bugbugin.
“Wag mo kasing hanapin ang wala! Ako na lang, babe, you want?” dagadag pa ni Hade.
Nakakasuka! Pwe!
“Manahimik nga kayong dalawa, kundi, kamao ko ang matitikman niyo. You want?” iniuwang ko sa kanila ang kamao ko. Nakakadiri na silang dalawa. Parang di mga lalaki ang pucha.
“Sabi nga namin, tatahimik na, e.”
“Good.”
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Mukhang sa school na ang punta namin nito. Tinignan ko ang oras. 6:45 am. Late na kami ng mga bugok. Tch. Kung di lang kasi may mga epal na humarang samin, di sana di kami male-late. Tapos mga wala naman palang binatbat. Kay aga-agang exercise.
‘Kirk de Asis, please go to the office of engineering department, now.’
‘Yan agad ang narinig namin, ni hindi pa nga kami nakakatapak sa loob ng school. Paulit-ulit ‘yun hanggang sa pumasok kami ng gate. Akala mo nga ni-record na, e. Alam ko namang maganda ang pangalan ko, pero kailangan pa bang ipangalandakan sa lahat? Sa buong campus? Tss.
“Dude! Kanina ka pa pinapatawag!” biglang su,ulpot si Rio. Aga pumasok ng loko.
“Naririnig ko. Natutulilig na nga ako dito dahil kanina ko pa naririnig ‘yang pesteng intercom na ‘yan. Ge, una na kayo.” Humiwalay na ko ng daan sa kanila. Sa kabilang dako pa kasi ‘yung eng. dept. Ba’t na naman kaya ako pinatawag? Don’t tell me, nalaman niya agad na nakipag-away ako? Eh, kaninang umaga lang ‘yun, ah? Ang balita ng naman, may pakpak.
Habang naglalakd ako sa hallway ng eng. dept., ang daming tumitingin sakin. Di naman kasi ako taga-dito. Dun ako sa minamahal kong business department. *insert sarcasm here*
Sige, tumingin lang kayo sakin. Pag ako di nakatiis, dudukutin ko mga eyeballs niyo. Psh.
Pagdating ko sa office, naabutan ko ang dean nila na nakaupo sa swivel chair nito. Nakita ko naman ‘yung name plate niya sa ibabaw ng table. Napailing na lang ako.
“Ba’t niyo ko pinatawag? AGAIN?”
“I heard a news.”
“News? Anong balita na naman ‘yan? Mamaya hindi na naman reliable ang source niyo.”
“I’m very sure of this, this time, Kirk.”
“Kayong bahala. As you say so.” Walang gana kong sagot. ‘Yun lang naman pala, e. Balita lang pala. Ngayon pa lang, alam ko ng hindi tungkol sa pakikipag-basag ulo ko ang dahilan kung bakit niya ko pinapunta dito ngayon.
“Ano bang news ‘yan, Mom?”
Yep. She’s my mother. Siya ang dean ng eng. dept., pero hindi alam ng lahat ‘yun dahil anak ako sa labas. Naging kabit ang nanay ko ng isang mayamang negosyante. Tama na nga. Ka-badtrip lang maalala lahat ng ‘yun.
“He’s already here, anak. Ang Papa mo, nandito na siya sa bansa. Umuwi na siya after so many years.” Hindi ko alam kung natutuwa ba si Mommy sa sinasabi niya. She’s almost close to fainting. Tumutulo din ang mga luhang nanggagaling sa mga mata niya. Aish! Ayoko sa lahat ‘yung nakakakita ng babaeng umiiyak, e. Bakit naman kasi napakahina ng mga babae pagdating sa emosyon? Psh.
Wala na kong nagawa kundi lapitan ang Mom ko at aluin siya. Ang hirap magpatahan ng nanay.
“Stop it, Mom. Ang panget mong umiyak.” Saad ko para lang tumigil na siya sa pag-iyak. Pero wala pa rin. Hays. Asar.
“H-he’s back.. sa-sana lang naaalala niya pa ta-tayo..”
Tae lang kung nakalimutan niya nabuntis niya ang nanay ko at basta na lang iniwanan ng may pangakong babalik siya. He’s an asshole. I loathe him. Kahit kailan hindi ko siya kikilalanin bilang isang ama, dahil in the first place, he never did. Tae, ang bakla ko nito, ah!
“Pupunta ko sa kanya bukas. Sasama ka ba?” my Mom is asking-pleading me to say ‘yes’, pero ayoko. Never.
“I’ll think of it first. I’ll just go ahead, may klase pa ko. Love you, Mom.” Lumabas na agad ako ng office. Peste talaga. Pero buti na lang di niya nalamang nakipag-away ako. Jeez.
“Kirrrrk!!”
Ano ba naman? Mahal na mahal ba nila ang pangalan ko? Paglingon ko sa tumawag sakin, di ko maiwasang di mainis. May mas sasama pa ba sa araw na ‘to? Yes, at ‘yun ay kung nakita ka ni Donna Smith.
Tumalikod ako agad.
Lakad-takbo..
Lakad-takbo..
Hanggang sa tumakbo na ko ng tuluyan. Nakakapagod ‘toh, ah.
“Kirrrrrk!! Wait for me! I hate you—no! Arrgh!” iyan na lang ang huli kong narinig hanggang sa makalayo na ko sa kanya.
Sino si Donna? Well, dahil gwapo ako, maraming chicks na naghahabol sakin. And Donna is one of them. Tumigil na ko sa pagtakbo. Pinagpawisan pa tuloy ako. Tumingin ako sa likod ko, salamat naman at wala na siya! Kaso pagharap ko..
“Hi, Kirk!”
Uh-oh.
x---------x
xoxo
ddunoticedsgrL
07.21.13. 06:49
BINABASA MO ANG
The Last Drop of Rain
Teen FictionI don't want to hurt you.. but in the end.. I just did.. in the last drop of rain..