© Copyrighted by ddunoticedsbook, 2014
July 27 2014 21:09:00
The Last Drop of Rain Chapter 10
ㄸ Kirk ㄸ
Naiinis na ibinaba ko ang aking cell phone. Kakatapos ko lang tawagan si Rio.. ah. Ako na nga pala si Rio ngayon. Sinabi niyang iyon na ang dapat na gamitin ko habang nandito ako sa Cebu. Walang dapat makaalam na ako si Kirk at.. wanted ako sa Manila.
Naiiling na pumasok ako sa gate ng bago kong school. Alam kong maiinip ako rito sa Cebu kaya naman nag-enroll ako sa isang university dito. Gamit parin ang mga papeles ni Rio.
Tumingin ako sa langit. Parang uulan.
"Nakakabuwisit ang mga tao rito! Sana talaga hindi na ko nag-transfer dito! Inis!"
Napangiti ako nang makita ko si Kitty. Kung tutuusin ay maganda naman siya. Iyon nga lang ay laging nakasigaw. Matinis pa man din ang boses niya. Palagi rin siyang nagrereklamo at nagsusungit.
Nakita niya ko at kaagad siyang napatigil. Tinitigan niya ko ng masama kaya naman napailing nalang ako. Wala pa kong ginagawa ay ganyan na ang tingin niya sa'kin.
"Kung nakamamatay lang ang tingin baka kanina pa ko nailibing," naiiling paring sabi ko.
"Che! Alis nga diyan at dadaanan ako!"
Hinawi niya ang buhok niya sa gilid. Tumabi ako kahit na malaki ang daan at pinagmasdan siyang lumakad sa harapan ko.
"May payong ka bang dala?" tanong ko.
Nilingon niya ko ng masama parin ang tingin. "Eh, ano naman kung wala?" asik niya.
"Magdala ka ng payong."
"At bakit naman kita susundin, aber?"
Nagkibit-balikat ako. Wala akong magagawa kung ayaw niyang sundin ang payo ko. "Kasi palagi akong tama?"
Pinaningkitan niya ko ng mata at lumapit sa'kin. Dinuro-duro niya ko sa dibdib kaya naman bahagya akong napaatras. "Palaging tama? Anong tingin mo sa sarili mo? Diyos?"
Itinaas ko ang dalawa kong kamay sa ere. "Woah, hot little kitty thing. Ikaw ang nagsabi niyan."
"Ha! If I know ganu'n ang tingin mo sa sarili mo! Tingin mo ikaw ang Diyos, ano? Ha?!"
Inalis ko ang daliri niyang naduro parin sa dibdib ko.
"Masama ang palaging galit. Tatanda ka agad niyan."
Palagay ko ay may mali sa sinabi ko dahil lalo lang siyang nagalit. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero nakikita ko ang butas ng ilong at tainga niya na naglalabas ng usok na tila ba sasabog.
"Ngayon naman matanda ako?!"
Pinigilan ko siya bago pa man siya sumabog at magkapira-piraso. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Pinayuhan lang kitang magdala ng payong dahil--" biglang bumuhos ang malakas na ulan "uulan."
Kaagad akong naghanap ng masisilungan ngunit malayo ang mga building mula rito. Hinubad ko ang pang-itaas kong uniform. Kaagad na nag-hysterical ang Kitty.
"Oh my gosh! Bakit ka naghuhubad sa harap ko?! Manyak ka! Manyak!" pinaghahampas niya ko ngunit hinuli ko ang dalawa niyang kamay at mahigpit na hinawakan sa isa kong kamay. Kahit magpumiglas siya ay wala siyang takas.
Itinalukbong ko ang uniform ko sa mga ulo namin at hinila ko si Kitty sa pinakamalapit na masisilungan kahit na ang totoo ay wala. Basang-basa na kami nang makasilong kami sa building ng liberal arts.
Marahas na kumalas sa'kin si Kitty. "Ano ba? May kapote naman kasi ako kaya wala akong payong! Hila ka ng hila! Edi, sana naisuot ko na 'tong kapote ko! Edi sana hindi ako basang sisiw ngayon! Buwisit talaga ang mga tao rito!"
Nalaglag ang panga ko nang ilabas niya ang kapote niya kulay green at may drawing pa ng mga puno, bundok, araw at rainbow.
This girl's unbelievable! Ano bang napasok ko?
ㅗㅗㅗ ㅜㅜㅜ
Sorry maikli ang update! Sa sobrang tagal nakalimutan ko na ang plot kaya chinola ko nalang! Mwehehe. >:)
Happy belated one-year anniversary mga ka-TLDOR!
Hugs & Kisses oxox
ㄸ ddunoticedsgrl / Ji
리지훈
좋은 하루 대새요!! ㅋㅋㅋ
BINABASA MO ANG
The Last Drop of Rain
Teen FictionI don't want to hurt you.. but in the end.. I just did.. in the last drop of rain..