Chapter Eight
Curse that girl. Trabahador lang siya rito kung makaasta! At nagawa niya pa talagang sipain ang binti ko. And it hurts, by the way. Real hurt.
Naglakad-lakad pa ako sa loob ng farm. It sucks here. Masyadong maputik at hindi ako prepare. I have my 3-piece suit in a farm! Great, right?
Nakakita ako ng tao sa gitna ng bukid. Katulad din ng suot niya ang suot nung babae kanina. They're both wearing kamiseta for farming. Sila ata 'yung mga magsasaka.
"Manong! Pwedeng magtanong?" tawag ko sa matandang lalaki na nasa gitna ng bukid. Kinailangan ko pang sumigaw dahil ayoko namang madagdagan ang putik sa slacks ko.
"Aba, hijo, nagtatanong ka na!" balik sigaw niya. And I wonder kung lahat ba ng trabahador dito ay sarcastic. Sisipain din kaya niya ang binti ko katulad nung ginawa ng babae? Gah, hwag naman sana dahil hanggang ngayon ay iika-ika akong maglakad dahil doon.
"Babayaran ko ho kayo, sumagot lang kayo nang maayos, please!" sigaw ko uli. Mukhang mapapakiusapan naman si Manong at tinanggal niya ang farmer's hat niya pagkatapos ay nagtungo sa direksyon ko.
"Ano ba iyon, hijo?"
"Itatanong ko lang ho sana kung―" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Magkano ba?" tanong niya na mukhang interesado talaga.
Kumunot ang noo ko. "Po?"
"Magkano ba ang ibabayad mo kapag nasagot ko ang tanong mo?" my jaw dropped because what he said. Grabe.
"Limang libo po. Okay na po 'yun?"
"Aba'y! Mayaman ka siguro, ano? Kahit anong tanong, itanong mo na ha. Basta hwag lang Math," dagdag pa nito. And really, ang weird ng mga tao rito. Sana naman ay matino-tino si Mr. Cruz dahil kung hindi ay mahihirapan akong makuha ang deal na ito.
"Saan ho ba ang bahay ng mga Cruz?" diretsong tanong ko dahil malakas ang pakiramdam ko na mauubos ang oras ko rito sa matandang 'to.
"Ay, iyon ba! Sino ka ba at hinahanap mo sila?" usisa nito.
Bumuntong hininga ako at saka sumagot. I just need to be patient para makarating sa pupuntahan ko. And also, patience is a virtue.
"Businessman po ako at may kailangan lang ako kay Mr. Cruz. Pwede niyo na bang sabihin sakin kung nasaan ang bahay nila? Masyado kasing malawak ang lugar na 'to at kanina parin ako naliligaw."
"Aba'y ang limang libo ko muna," inilahad niya pa ang palad niya. Naiiling na kumuha ako ng five thousand pesos sa wallet ko. Hindi ko inakalang magiging magastos pala ang pagpunta ko rito.
Ngumiti ito nang malapad. "Tara, sumunod ka sakin."
Naglakad kami nang halos tatlumpung minuto bago nakarating sa harap ng isang maganda at modernized na mansion. Mayroon pa nga itong fountain sa gitna. Hindi mo aakalaing nasa probinsya ka dahil sa style ng mansion. Parang mga mansion lang sa England.
"Ito ang mansion nila. Nandyan lang palagi ang mga Cruz," paliwanag ng matanda.
May babaeng lumabas galing sa mansion. Naka-uniform ito ng parang pangkatulong. Tinawag ito ng matanda. "Laide! Halika!" aga namang lumapit ang babae sa amin.
"Andito si Mr―" tinignan ako ng matanda.
"De Asis. Kirk De Asis," tugon ko.
"Ayon nga, nandito siya dahil may kailangan daw siya kay Don Juan. Samahan mo siya," saad nito.
Mabilis na tumango ang babae. "Sige po, Mang Kanor. Ako na pong bahala sa kanya."
"Sige, Ser. Sumama ka na kay Laide. Dadalhin ka niya kay Don Juan."
BINABASA MO ANG
The Last Drop of Rain
Novela JuvenilI don't want to hurt you.. but in the end.. I just did.. in the last drop of rain..