TLDOR
Chapter Eleven
☆ NADINE KITTY CRUZ ★
I was really hoping that I will forget that moment immediately. Umaasa talaga ako. Akala ko nga pagkasabi ng Prof namin ng ' Class dismissed.' tatayo ako at aalis ng class room na parang walang nangyari. Pero naman talaga! Kamoteng kahoy na Snorlax ' yan! Hindi ako pinatahimik ng titig niyang ' yon. Parang hinihigop niya ' yong kaluluwa ko. Naalala ko tuloy ' yong tupa namin na laging nangunguha ng damo. Pangalan niya ay Kirk. Paborito ko ' yon sa lahat ng itim na tupa makikilala ko siya. Malaking epal ' yon eh. Kakainin niya yung damong kinakain ng katabi niya. Yeah that Kirk is surely a black sheep but I love him. Nagmamaganda akong naglalakad habang iniisip ang paborito kong tupa na si Kirk mabangga ko ang dibdib ng kung sino. Pamilyar ang amoy na ' yon. " Snorlax" Pangalan palang nakakabwisit na. Nakakaasar! Ang bango bango niya.
"Naghihirap na siguro kayo at hindi ka makabili ng mabangong perfume." Sabi niya. Natauhan ako dahil sa sinabi niya. I composed myself to look nonchalant. Nawalan na ako ng poise kanina. Hindi puwedeng pati ngayon. Err.
"Whatever. I don't freaking care whatever you got to say. Alis. Busy ako." Sabi ko pagkatapos ay hinawi ko siya para makadaan. Akala niya ha! Teka, ano bang sadya niya bakit niya ako hinarang?
"I was just curious if you want to get your key." He said cool like a mint. Napahinto ako do'n. Gusto ko siya hagisan ng damo dahil do'n. Ang tagal ko nang hinihintay ibigay sa akin yung duplicate key sa Green Club! Naglakad ako paatras at huminto sa harap niya. Nakita ko pa siyang ngumisi na parang pinipigilan ang pagtawa niya. Nako! Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalaking 'to! Grr.
"Green Club? Para sa Green House?" I asked. Tumango siya. Lumunok ako bago nagpatuloy aa pagasalita.
"Pwede ko bang makuha? Tutal akin naman 'yan eh..."
"Nope."
"BAKIT NAMAN HINDI PWEDE!?"
Hinawakan ko uung hibig ko at ngumiti ng hilaw. Naasar na talaga ako sa kaniya. Kung ibibigay niya ibigay na niya! Huwag siyang paasa dahil baka makalmot ko siya!
"Please?" Pakiusao ko. Nilahad ko pa yung dalawa kong palad at nagpa-cute. Kapag eto hindi epektib! Bakla 'to for sure.
Ngumisi siya at nilapit ang mukha niya. Isang tulak nalang at magkakadikit na mga labi namin. Nagwawala na yung isip ko pero hindi ako makagalaw. Nadine? Kilos! Hahayaan mo bang maagaw ng manyak na yan ang unang halik mo? Of course not! Handa ko na siyang sapakin nang magsalita siya.
"Close your eyes." Mahinang pagkakasabi niya. Amoy mint ang hininga niya. Malayo sa amoy ng mga kambing. Bakit ko naman kinumpara ang sira ulo na 'to sa mga mahal kong kambing? Eh wala pa nga siguro sa sungay ng mga yon ang dating sa akin ng lalaking to.
Pero para ako yung sira ulo dahil iba yung kinikilos ng katawan ko sa iniisip ko. Sa isip ko nalumpo ko na siya dahil sa distansya namin pero sa kilos ko pumikit pa ako.
Ang lakas din ng tibok ng puso ko.
Sandali pa nakaramdam ako ng pat sa ulo ko. Napadilat ako kaagad.
BINABASA MO ANG
The Last Drop of Rain
Teen FictionI don't want to hurt you.. but in the end.. I just did.. in the last drop of rain..