Tanda mo pa ba ng una tayong mag usap?
Maaga ang uwian noon dahil may mga meeting ang mga faculty kaya naman 2:30 palang ay nagsilabasan na ang mga estudyante. Hindi na nga ako noon nakapagpaalam sa mga kaibigan ko dahil sa pagmamadali kong umuwi.
Agad kong nilakad ang distansya sa malapit na jeep na isa lang ang sakay na nasa dulo pa malapit sa bukana. Humawak ako sa bakal para may suporta papasok ng jeep.
Pag upo ko ay sunod sunod na din ang mga pasaherong sumasakay kaya hindi kita napansin ng bigla akong mapatingin sa iyo, at ikaw na may napakalawak na ngiti na nakatingin din saakin.
Mag kaklase tayo pero hindi kita pinapansin noon. Balita kasi na bulakbol kayo ng mga kaibignan mo kaya pilit kong iniiwasan ang makausap o makasabay ka man lang.
Maliban doon ay lagi karing laman ng kwento ng mga kababaehan sa batch natin. Kalahati kasi sa porsyento ng mga babae ay humahanga sa iyo.
Paano ba naman, napakagwapo mo. Iyong bilugan mong mata na kulay brown pa na may mahahabang pilik mata, iyong ilong mong sarap magslide sa sobrang tangos, iyong mga kilay mong makakapal pero bagay na bagay sayo at iyang labi mong mapupula na tinernuhan pa ng pantay pantay at mapuputi mong mga ngipin. Sa mukha mo palang solve na sila. Matangkad ka pa naman, medyo may kapayatan ka pero hindi yon alintana para masabihan kang gwapo.
Naikwento din noon saakin ni Jessel, isa sa mga kaibigan ko na kapag nalaman mo daw na may crush sa iyo ang babae at maganda ay didiskartehan mo daw. Tanda ko pa nga yung sinabi ni Jessel
"Naku! Ang landi landi ng lalaking yon. Basta malamang may crush sa kanya pinopormahan niya!"
Kaya hindi na ako nag abalang pansinin ka, hindi kasi malayong magkagusto ako sayo at baka matripan mong pormahan ako.
Oo advance ang utak ko kaya ayaw kong lumapit sa iyo.
Inalis ko noon ang tingin ko sa iyo ng bigla mo nalang akong kausapin.
"Classmate? Magkano ang pamasahe hanggang crossing?"
Napataas pa ang kilay ko, kasi naman sa tagal mo ng sumasakay ng jeep ay hindi mo pa nakabisa ang pamasaheng binabayaran mo. Napatingin pa ako sa mga kasabay natin sa jeep na kapwa natin ka eskwela na parang gsutong sumagot sa tanong mo.
"Sampu"
Sagot ko naman sayo at inextend ang kamay ko sa gilid para makapagbayad na. Pero bigla mo nalang ibinaba ang kamay ko kasabay ng pagextend ng kamay mo.
"Bayad po! Dalawa pong estudyante, isa pong pogi at isang panget pero nag aaral ng mabuti!"
Tanda ko pa ang katagang sinabi mo noon. Tumawa pa nga ang mga nakarinig ng sinabi mo. Sinamaan pa kita ng tingin noon dahil nainis ako sa pagtawag mo ng panget saakin.
Oo hindi naman ako maganda pero hindi din naman ako panget.
Inabot ko noon sayo ang bayad ko pero hindi mo tinanggap. Hindi ko non alam kung bakit ngiti ka ng ngiti habang nakatingin saakin. Kaya naman sa sobrang irita ko sayo ay ipinasok ko ang sampung pisong barya sa polo pocket mo at pumara na.
Sumaktong malapit na ang bahay namin kaya naman hindi na ako nahirapan pang makauwi noon. Narinig ko pa ngang tinawag mo ako noon pero hindi ako lumingon, nakakaiinis ka kase. Ang yabang mo.
Vote and Comment