TMPB 2

4 0 0
                                    


Tanda mo pa ba nung flag ceremony?

Monday noon kaya naman required ang buong campus na mag attend. Nasa dulo ako noon dahil ayoko sa harap kahit na by height ang sinabi ni Maam. Maliban doon ay by freinds din ang pila natin. Nasa dulo kasi si Jessel na matangkad kaya naman sa kanya ako tumabi na saktong nasa dulo a din naman. Dahil nga matangkad ka at mga tropa mo kaya nasa dulo kayo halos, ang ingay ingay niyo nga e. Pinaguusapan niyo pa ang mga katextmates niyong chiks.

Nasa pagkanta na tayo noon ng Lupang Hinirang ng biglang may kumulbit sa akin galing likod, na agad ko namang nilingon. Wala ng tao sa likod dahil ako ang pang huli kaya naisipan kong tumingin sa gilid ko.

Nakita ko kayo ng mga barkada mong nagkakanta ng Lupang hinirang pero niloloko niyo ang kanta. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy nalang sa Pakikinig.

Pero ilang saglit pa ay may kumalabit nanaman saakin.

Nasa part na ng Panatang makabayan noon kaya naiinis ako dahil nakikinig talaga ako. Lukot ang mukhang binalingan ko kayo ng mga tropa mo at nahuli kitang nakatingin saakin.

"Si Benji yon!"

Yan sang sinabi mo ng mapatingin ako sayo. Binalingan ko naman si Benji at palihim ko siyang kinurot kaya naman napa aray siya sakit.

"Ay Nicole! Bakit ka ba nangungurot? Type mo ba ako kaya nagpapansin ka?"

Sagot ni Benjie. Pinagtawanan pa ako ng mga kaibigan mo noon dahil sa sinabi ni Benji. Maloko pa naman si Benji, kahit anong sabihin ay nakakatawa.

Inirapan ko lang noon si Benji pero rinig ko parin ang pagtawa ng mga kaibigan mo, pero mas malakas ang tawa mo kaya nakahalata akong ikaw ang nangungulbit saakin.

Ng nag sheshare na ng Gospel ang designated teacher na mag she-share ay napansin ko sa gilid ko ang pagtaas mo ng kamay mo at hindi ako nagkamali ng maramdaman kong kinulbit mo nga ako.

"Jessel, takpan mo ako kay maám"

Sinabi ko pa iyan kay Jessel pagkatapos noon ay binalingan kita. Patay malisya ka pa nga noon e, pasipol sipol kapa habang sumasayaw sayaw kayo ng kakaibang step ng mga kaibigan mo. Gusto ko noong tumawa pero naalala kong naiinis pala ako sayo. Nang mabaling saakin ang tingin mo ay bigla ka nalang tumawa kaya naman hinampas kita ng malakas sa kamay. Bumakat pa nga ang kamay ko at namula ang balat mo dahil mestizo ka. Pero ikaw? Tinawanan mo lang ako at nagpatuloy pa sa weirdo mong pagsasayaw. Pati nga kabilang section ay napapatingin sa inyo ng mga kaibigan mo dahil sa sobrang kulit niyo.

Kaya naman naglakad ako patungong harapan at iniwan kayo doon. Mga sira ulo kasi kayo, baka hindi ko mapigil ang pagtawa at mapagalitan ako ni Ma'am.

Pero makulit ka talaga kaya lumipat kayo ng mga kaibigan mo sa harap at doon kayo nanggulo. Patuloy parin kayo sa pagsayaw ng kung ano ano nga mga kaibigan mo with matching song number pa kahit na boses bakal kayo.

Napansin ko pa ngang humagalpak sa tawa si Ma'am kaya hindi niya kayo sinita.

"Niololololol! Nicolololol! Ohhhh!"

Kanta mo pa na sinabayan pa ng mga kaibigan mo. Nasa inyo na ang atensyon ng mga estudyante kaya naman bigla nalang akong nagulat dahil sa pagsigaw ng Principal sa microphone. Naiwan tuloy ang section natin sa pila at pinag perform muna ng Flag ceremony sa ilalim ng mainit na araw.

Tanda mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon