Tanda mo pa ba noong nag truth or dare?
Kasalukuyan akong nanonood lang noon sa inyo habang nag i-spin the bottle kayo at truth or dare. Natatawa nga ako dahil kakaiiba ang mga dare niyo. Tapos ang chi-cheesy ng truth niyo. Sino ang crush, napaamin tuloy ang iba sa mga kaklase natin na may crush sayo.
Parang wala nga lang sayo e. Parang sanay na sanay kang may nag kakacrush sayo.
"Wooooooooh!"
Biglang nagkasigawan sa klase ng tumapat sayo ang bote. Kumamot ka pa nga sa sentido mo at tatawa tawa.
"Okay, para naman may price yung mga nag kakacrush sa iyo. Halikan mo kahit isa sa mga nagkakagusto sayo"
Nagsigawan ang mga kaklase natin sa sobrang saya. Kahit nga ako halos mahulog sa sahig sa kakatawa sayo.
Mas na excite ako ng tumayo ka at lumapit sa mga kaklase nating mga nakaupo na alam mong may crush sayo. Paano ba naman halata namang may gusto sayo yung mga yun, kinkilig e!
Pero nagulat ang lahat ng lumapit ka saakin. At biglang sabi mong..
"Ito may crush saakin. Kikiss ko siya"
At hindi na ako nakagalaw ng bigla mo akong halikan sa pisngi.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
Nagkagulo ang klase at nagkanya kanya silang kuha ng picture. Hindi kasi ako nakakilos sa sobrang gulat ko.
"Yan, nagawa ko na a! Tsaka ayoko na! Nakakaboring naman yang laro niyo!"
Tsaka ka umalis ng room habang nagkakagulo parin ang klase.
"Namumula ang gago!"
sigaw pa nga ng mga kaibigan mo. Sa sobrang gulat ko, napaiyak ako ng di oras dahil hindi ko alam ang ire-react.