Tanda mo pa ba ng mahuli kitang manigarilyo?
Araw araw nalang ata inaasar tayo ng mga kaklase natin dahil sa kamanyakang ginawa mo saakin. Hindi ka pa nga nahiyang bwisit ka kasi lalapit lapitan mo pa ako para lang mang asar ang mga kaklase natin.
Nahihiya na tuloy ako dahil akala nila crush kita, well totoo naman kaya lang sa isip ko lang naman yun e! Bakit mo sinigaw?!
"Uy Nicole, sorry na bati na tayo be."
Sabi mo pa ng minsang naglalaro tayo sa open field, PE kasi ang subject natin kaya.
"Guys! Be daw oh!"
"Ayieeeeeeeh!"
Lagi nalang ganyan ang nangyayari dahil sa sobrang kulit mo. Ilang araw na din kitang hindi kinakausap, bahala ka diyan manigas ka. Sabi ko pa noon.
Pero mas lalo kaming nagulat ng lumuhod ka sa harap ko.
"Waaaaaaah!"
nagkagulo pa nga ang klase dahil sa ginawa mo, pati ang mga nasa kabilang section ay napatingin sa atin.
"H-hoy! anong ginagawa mo! Tumayo ka nga diyan, paa kang tanga!"
tinangka pa nga kitang itaas diba? Kaso makulit ka at mukhang seryoso kaya mas lalong dumagdag ang pagkahiya ko.
"Hindi, patawarin mo muna ako"
Sabi mo pa, inabutan ka panga ng rosas na fake ni Benjie e tapos inabot mo saakin. Ayan nagsigawan tuloy ang mga kaklase natin.
"S-sige na, tumayo ka na diyan. Nakakahiya ka"
Sabi ko pa. Nagliwanag nga ang mukha mo nun e at agad agad kang tumayo.
"Ayan! Sa susunod magpapaalam na ako pag tsa-tsansingan kita sige!"
Nagtawanan pa nga ang mga kaklase natin dahil sa hirit mo, ang baliw mo kase.
Pero inaamin ko, nung mga oras na iyon kinikilig talaga ako. Hindi na nga ako nakapaglaro dahil sa ginawa mo. Saktong nagso-soccer pa kayo, kaya nanood nalang ako ng laro niyo. Kindat ka nga ng kindat saakin kapag napapadaan ka sa inuupuan ko.
"Bwisit! Kinikilig ako!"
Hinahampas hampas pa nga ako ni Jessel e, paano kinikilig daw. Nakikinis! Nahahawa tuloy ako.
Matapos ng lahat ng klase natin, nagayang tumambay sina Jessel sa mga madalas tambayan ng mga estudayante malapit sa eskwelahan. Kaming dalawa ang magkasama kaya naman naglaro lang kami ng mga arcade games at nagkatuwaan sumayaw sa parang malaking screen na may nakaplay na sumasayaw din.
Sa kalagitnaan ng pagsasayaw namin, bigla akong kinalbit ni Jessel at may tinuro na agad ko na mang nilingon.
"Hala girl, kababati niyo lang ng be mo o pero nagtataksil na. With matching cigarette pa. Tsk! Tsk! No! No! yan sa labas"
Pang aasar pa ni Jessel saakin.
Kita ko kasi noon sa pwesto ko kung paano ka, kasama ang mga kaibigan mo, makipag harutan sa mga ka batch natin at naninigarilyo ka pa. Hindi ko nga alam nonkung bakit biglang kumulo ang dugo ko sayo at feel kong huwag ka na talagang pansinin. Nawala tuloy ako sa mood sumayaw kaya nag aya nalang akong magtusok tusok at umuwi.