Tanda mo pa ba noong nakikain ka?
Nasa room kami noon kasama si Jessel at iba pang mga kaibigan namin. Mag la-lunch na kasi kami, hindi ako mahilig bumaba sa canteen para doon kumain kaya naman nagbabaon ako.
Nagstart na kaming kumain noon ng bigla kayong sumulpot ng mga kaibigan mo. May hawak ka pangang bola habang pinapaikot mo pa to sa kamay mo.
Pawis na pawis ka nga noon e, kagagaling niyo lang kasing magbasketball pero hindi nabawasan ang kagwapuhan mo. Nakasabit pa ang polo mo sa balikat mo at panyo habang hinihingal ka pa.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko noon ng biglang sumugod ang mga kaibigan mo sa amin at nakikain. Nagrereklamo pa nga yung iba e pero wala silang nagawa.
Pero nagulat ako noong umupo ka sa harap ko at inagaw mo ang kutsara ko. Hindi ko iyon makakalimutan dahil sa amoy mo. Napakabango mo non at parang hindi ka naman pinagpawisan.
"Penge ako a? Nagtitipid ako e"
Sabi mo pa sabay subo mo ng kanin. Kinamay mo pa nga ang ulam kong manok at halatang sarap na sarap ka. Nabigla ako noon kaya naman hindi na ako nakakain at pinanood ka nalang. Napansin ka din nina Jessel kaya sinita ka nila pero hindi ka nagpaawat at nagpatuloy lang sa pagkain.
Nangutos ka pa nga sa mga kaibigan mo na bumili ng mineral water.
Niligpit ko nalang ang lunch box pagkatapos mong matapos. Hindi ka pa nga noon umalis sa pwesto mo e dahil nasa malapit ang pwesto ko sa Aircon kaya doon ka nagpatuyo ng t-shirt mo na tinanggal mo at isinabit sa likod ng upuan. Kaya naman kitang kita ko ang topless mong katawan.
Wala lang naman saakin yon kasi sanay na naman kami dahil madalas kayong magtopless ng mga kaibigan mo matapos mag basketball.
Nakatingin lang ako sayo noon ng bigla kang bumaling saakin. Ang seryoso mo pa nga e, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o sadyang seryoso kalang tumitig.
"O Troy! Makatitig ka sa kaibigan ko a! Ano lalandiin mo?! Che! layuan mo nga si Nicole! Hindi yan papatol sayo!"
Napaalis lang ang tingin ko ng biglang sumingit si Jessel sa harap ko at umupo sa armchair ko.
Tumawa ka pa nga ng malakas e, sabay sabing..
"Hindi ako pumapatol sa panget no!" sabay hagalpak mo ng tawa. At pinagtripan tuloy ako ng mga kaibigan mo na baka daw crush kita.
"Asa naman kayong magugustuhan ko yan! Hindi ako pumapatol sa tsonggo!"
Napatuwid ka pa nga ng upo ng marinig mong sinabihan kitang tsonggo e. Natatawa pa akong nakipag apir kay Jessel dahil sa sinabi ko sayo yon.
Pero bigla ka nalang tumayo at nag pose na parang may Muscle.
"Kita mo tong muscle ko? Gusto mo pakatukin ko pa sa bahay niyo! Sa pogi kong to?! Aba! Ang gwapo ko namang tsonggo?"
Tumayo ka pa nga sa upuan at mas lalong nagpahangin sa Aircon at nagsimulang magsayaw ng mga weirdong dance steps. At dahil sira ulo kayo ng mga kaibigan mo nagconcert kayo sa Room na halos ikamatay namin sa sobrang tawa. Kinindatan mo panga ako e. Napailing nalang ako sa sobrang presko mo.