TMPB 9

2 0 0
                                    


Tanda mo pa ba ang Team Nicoy?

"Maputi, mapungay ang mata, matangos ang ilong manipis ang labi! Pero di marunong mag ayos! Naku James, sayang yang ganda mo kung hindi mo gagamitin ng maayos, sige ka ikaw rin maagawan ka kay Troy"

Biglang sabi ni Jessel non habang naglelecture kami. Katabi ko kasi siya at kanina pa niya ako pinapansin pansin. Natatawa nga ako kasi pati yung mga nunal ko sa muha binilang niya.

"Hoy Jessel, lumayas ka nga. Tatabi ako kay crush!"

napatingala nga kami sayo noon dahil sa lakas ng loob mong sabihan si Jessel ng ganon, amazona pa naman to.

"Ay taray! Oo na! Pasalamat ka fan ako ng team nicoy!"

"Team nicoy?"

Nagkasabay pa nga tayo ng pagtatanong nun e.

"Oo, Nicole plus Troy equals nicoy!"

Humagalpak ka pa nga sa tawa e. Tapos umalis si Jessel para ikaw ang katabi ko, may dala ka pa ngang notebook e.

"Aba himala! Mga sister! Maglelecture si Troy o! Himalaaaaaa! Kasalana bang! Humiling ako sa langit ngggggg!"

Inaasar ka pa nga e. Ako nga din nagulat kasi maglelecture ka e.

"Ssssh! Para sa future namin to ni Be mga brads! Kaya huwag kayong magulo diyan."

Sabi mo pa na nagpasigaw sa mga kaklase natin. Para ka talagang tanga noon.

Katabi lang kita at di ako nagsasalita, kopya kopya kopya.

Wala si Ma'am pero may agad ng lecture sa board kaya naman obligasyon nga nating magsulat.

Sa kalagitnaan ng pagsusulat natin bigla ka nalang tumawa.

"Bakit?"

Nagtataka pa nga ako dahil nakangiti ka lang saakin.

"Grabe, ewan ko ba kung bakit gandang ganda ako sayo.."

Bulong mu non. Pero iba ang naisip ko sa sinabi mo, nainsulto ata ako.

"Nangiinis ka ba? Para atang gustong mong iparating na hindi ako maganda sa paningin ng iba?"

Tinaasan pa nga kita ng kilay e. Pero tumawa ka lang.

"Hindi, hindi. I mean! Hahahahahahaha!"

Nainis na ako kaya lumipat ako ng pwesto, pumunta ako sa harap at doon nagpatuloy ng pagsusulat pero sumunod ka pala.

"Sorry na be, ito namang si crush matampuhin"

hindi kita non pinansin, kahit rinig ko na ang pangaasar ng mga kaklase natin ay deadma lang ako.

"Uyy, gusto mo ata lambingin pa kita e.. ayieee. Si Nicole nagpapa- baby"

Tinawanan tuloy ako ng mga kaklase natin. Sa sobrang inis at kilig ko nahampas tuloy kita ng notebook. Sinabunutan pa nga kita e diba? Kainis ka e.

"Sorry na talaga be! Maganda ka naman talaga e, kaya nga crush kita e!"

"AYIEEEEE!"

Sa sobrang hiya ko ay lumabas ako ng room at pinagbantaan kitang huwag na sumunod saakin, paano nauuna kapa saakin. Bumili ako ng mineral water at nagrelax saglit.

Pabalik na ako ng room natin ng bigla akong harangan nina Marie. Yung chiks mong mukhang bayawak.

"Hi Nicole, pakibigay naman kay Troy o"

Inabutan niya ako ng box ng ferrero at isang box na naka blue wrapper. Rectangular in shape.

"Pakisabi din text niya ako mamaya ha?"

hindi pa nga ako nakakatango nun e umalis na siya. Pagdating ko sa room andyan na si Maam. Pero umalis ulit.

"Kanino galing yan be? Sa karibal ko! Tsk! Hindi pa nga tayo nagtataksil kana!"

sigaw mo ng makaupo ako sa pwesto ko. Tumayo ako at binigay sayo ang mga dala ko, nagatataka nga ang mga kaibigan mo e.

"Pinabibigay ni Marie, pinapasabi niya ding itext mo daw siya"

Pagbalik ko ng room ay linabas ko nalang ang cellphone ko at nag facebook, pagkabukas na pagkabukas ko ng facebook ko, tayong dalawa agad ang nakita ko sa newsfeeds, kinuhanan tayo ni Jessel ng stolen shots at Pinagsama sama.

'Team Nicoy! Walang titibag'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tanda mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon