Tanda mo pa ba noong una mo akong itext?
"Tsk! Kala mo Troy a! nakita kita kahapon! May kasama ka ng chiks, naninigarilyo kapa! Pinagtataksilan mo si James!"
Kumakain tayo noon ng lunch. Nagbaon ka na din kasi, pati ng mga kaibigan mo at sumasabay ng kumain saamin kapag lunch.
"Ha?"
Napatigil ka pa nga sa pagsubo mo e. Ang bibo mo pa namang kumain.
"Pumunta kaya kaming tambayan kahapon, nakita nga namin kayo e. Kasama niyo yung kabilang section. Katabi mo pa nga si Marie e, yung magandang maliit. Tsk! Tsk! Sigarilyo at chiks pa more!"
Pang aasar pa ni Jessel. Natatawa nga ako e, hindi ko alam pero sigurado akong nakitang lumunok ng dumako ang tingin mo saakin.
"Kasama mo si Be?"
tanong mo pa. At nakatingin saakin.
"Naks naman! Kinarir ni Sister ang be"
Pang aasar pa ng kaibigan mo. Nagkaasaran nanaman tuloy.
"Oo, nawalan nga ng gana e. Umuwi nalang tuloy kami"
"Hoy hindi a! Nagtusok tusok pa tayo, anong nawalan ng gana ka diyan. Pakielam ko pa diyan"
mabilis na sabi ko at mabilis na tinapos ang kinakain ko pagkatapos ay nagligpit na ako
"Aww.. LQ"
Panggagataong pa nga ng mga kaklase natin e.
"Hot tumigil nga kayo, mga pauso niyo! Pag may sumabunot saakin galing sa mga chiks niyan kasalanan niyo"
Tatawa ko pang sabi. Pero kunwari lang yon, ano ka! Galit kaya ako no!
Saktong namang may tumawag saakin, si Adrian. Kaklase ko dati.
"Hala! Karibal number 1"
Sabi pa nila. Ewan ko ba at napagkatuwaan nilang asarin tayo. Naiinis tuloy ako sayo.
Hindi ako nakapasok ng mga sumunod na subject dahil inexcuse kami ni Mrs. Palesroque dahil malapit na daw ang intramurals natin dapat ay makapag prepare na kami. Secretary kasi ako ng USC at si Adrian naman ang President kaya naman kapag may mga meeting ay magkasama kami.
Inexcuse naman ako ni Ma'am kaya hindi ako nahassle.
Habang pauwi ako noon ay ramdam kong nagvibrate ang cellphone ko.
Kasama ko pa si Adrian dahil bibili kami ng pangdecoration para sa stage, dumiretso kami agad sa sakayan para makaalis na.
From: 0916*******
Uy
Nagtaka man ako, hindi ko na nirepyan. Wala naman kasi akong load, pang games lang naman ang cellphone ko e.
Mabilis lang kaming nakabili ng gamit ni Adrian, bago kami umuwi ay kumain pa muna kami sa Fastfood chain dahil gutom na daw siya. Nilibre niya pa nga ako kaya tuwang tuwa talaga ako.
Nakakapagod man noon ay pinili ko pa ring maligo bago mahiga, pinapatuyo ko noon ang buhok ko ng makita kong ilaw ng ilaw ang phone ko kaya naman mabilis ong chineck.
Pag bukas k, galing nanaman sa uknown number at iisa lang naman ang content ng text kahit 28 messages.
From: 0916*******
Hoy Be!
Ikaw lang naman ang tumatawag na be saakin noon kaya hindi ko pinansin. Naiinis parin ako sayo kaya bahala na at matutulog na ako, sinave ko pa nga para kung sakaling may load ako ay mareplyan kita. Pero pahiga na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Troy Tsonggo calling...
"Oh?"
Bungad ko pa.
"Be!"
"Heh! Anong kailangan mo?"
"Ang taray naman, LQ parin ba tayo? Sorry na be, wag ka na magalit pauwi na ako"
Lakas mo ngang mangasar noon e, pinipigil ko lang ang sarili kong huwag tumawa.
"Tigilan mo nga ako! Ang landi mo! Bakit ba?"
"Nakauwi kana? Magkasama kayo ni Adrian kanina no?"
"Oo"
"Galit ka ba?"
"Hindi"
"Galit ka e. Sorry na"
"Hahaha. Bakit naman ako magaglit? Baliw ka ba"
"Nakita mo akong naninigarilyo, tsaka kaibigan ko lang mga yon. Huwag ka ng magselos ha?"
"Ang kapal mo naman, e ano naman kung naninigarilyo ka. Ikaw naman mamataya diyan"
"Weh? Pero ayaw mo sa naninigarilyo diba?"
"e ano naman?"
"Crush kita"
biglang hirit mo. Natawa pa nga ako e.
"O tapos? Hahaha"
"Naman! hindi naman ako nagbibiro"
"Matulog ka na nga, wala ka sigurong katext na chiks kaya ako ang ginugulo mo"
"Kahit naman magtext yung mga yon, isang text mo lang agad agad akong magreply"
Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi mo. Ewan ko ba ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mga sinasabi mo.
"Uy, sorry na ha? Hindi na ako maninigarilyo para sa iyo. Promise yun be"
"Tigilan mo nga ako sa kaka be mong biwisit ka! Matulog ka na nga, ako pa talagang napili mong pagtripan!"
Dahil kabadong kabado ako, agad ko ng binaba noon ang tawag mo. Kainis! Kinikilig ako!
Biglang nagvibrate ulit ang phone ko.
Troy Tsonggo:
Sorry na a? Huwag ka ng magalit. Di na ko uulit. Goodnight crush :) ;) ;*