Naaalala ko pa nung time na una kitang nakilala, first week of school noon, syempre ang mga nakilala ko lang is yung mga naging classmates ko. Pagpasok ko sa room ng Science nagulat ako kasi iba na ang sitting arrangement, Hindi ko alam kung saan ba dapat ako mauupo.
Oh? Bat nakatayo ka dyan? San ka ba dapat uupo?
Tandang tanda ko pa, na yan mismo yung sita sakin ng teacher natin, kinakabahan ako syempre lahat kayo nasa akin yung atensyon. Hindi ako makasagot sa tanong ni Ma'am.
Absent ka kahapon no?
Ang tahimik talaga nung time na yun, sa sobrang tahimik ng lahat feeling ko tuloy hinihintay nyo na mapahiya ako.
Opo, ma'am.
Ayoko talaga ng ganoong sitwasyon swear! Hiyang hiya ako sa lahat.
Yan ang napapala ng mga mahilig umabsent, first week pa lang ganyan na kayo.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na sinesenyasan ako kung saan ako dapat uupo.
Sorry po ma'am
Hinihintay ko kung papaupuin nya ba ako o hindi.
Sige na, ituro nyo kung saan sya dapat umupo.
Nawala agad yung kaba ko tapos napatingin ako sa inyong lahat.
Dito ka samin.
Sabi nung isang babae sa unahan. Umupo naman ako agad, nakakahiya talaga! Girl-Boy pa ang arrangement ng sits. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong eksena.
Okay, sige isulat nyo muna 'tong mga lectures bago ako mag discuss.
Nilabas ko agad yung notebook and ballpen ko. Napatingin ako sa blackboard ang dami ng isusulat. Mag-uumpisa na sana ako nang mahulog yung ballpen ko sa floor, Hindi ko maabot kasi ang sikip ng space masyadong dikit yung upuan nating tatlo sa unahan. Hindi ko alam kung kukunin ko ba o hindi kasi nasa may paanan mo bumagsak. Pinulot mo yung ballpen ko nagtataka ka pa nga nun e. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na akin yun.
Sayo 'to?
Napatingin ako sa ballpen.
Ay oo sakin 'yan.
Inabot mo pa nga sakin.
Thanks.
Sayo pala 'yan, dapat hindi ko na kinuha e.
Tumawa ka pero saglit lang. Sa isip isip ko noon na mayabang ka dahil sa sinabi mo. Ng tumagal tagal nakilala na kita ang name mo is Laimer Ramos tapos yung katabi Kong babae si Carly Poblete. Ang bait nyo ngang dalawa sakin e. Tuwing time lang tayo ng Science nag uusap at nagiging magseatmates. Naalala ko pa noon nagpapaunahan tayong tatlo maunang matapos sa pagsusulat. Hahaha! Kaso ako palagi yung huli tapos ikaw yung nauuna, ang panget kaya ng sulat kamay mo kaya siguro ganun ka kabilis magsulat.
BINABASA MO ANG
I Wish, I Have You
RomanceTime really flies so fast.. Even a friendship can be faded away and turn into a special feelings towards the other.