Apart

11 2 0
                                    

Naalala ko pa noon nagalit sakin si Jannell dahil nasabi ko na may gust sya sayo Laimer, nasasaktan ako. Ewan ko ba? Siguro dahil naglit yung kaibigan ko na sobrang malapit sakin dahil sayo. There is a part of me na nasasaktan sa tuwing sinasabi nilang..

Arlyn! Crush na crush ko talaga si Laimer.

Kalokohan. Pag sila masaya, ako naman nagkukunwaring masaya.
Hanggang sa isang araw sobrang badtrip ko. Hindi ako nagsasalita pag tinatanong ako.

Arlyn, tahimik mo ah? Anyare?

Tiningnan lang kita.

Pwede ba Laimer?! Manahimik ka nga. Hindi ka nakakatuwa!

Para kong biglang naguilty sa sinabi ko.

Sorry Arlyn. Sige.

After nun, wala na. Hindi na tayo nagpapansinan. Hindi na tayo close. Hindi ka na gusto ng dalawa kong bestfriend. Yun lang pala. Nakakainis. Sayang. Nakakabwiset. Lumipas ang maraming araw, Christmas party na natin. Akala ko ako yung nabunot mo nung exchange gift. Hindi pala. Ewan. 3rd year ako nun nang magkagusto ako sa classmate ko, kaso lang hindi naman nya ako gusto. Parang ikaw at si Joanne noon diba? Ang sakit pala nun? Hindi mo naman ako nainform.

Arlyn! C.R tayo.

Sinamahan ko si April sa cr, papunta na sana kami sa room ng makasalubog ka namin. Naikwento nga pala kita sa kanya. Nasabi ko na crush kita.

Laimer!

Lumingon ka naman. Tska ngumiti.

Crush ka ni Arlyn!

Hiyang hiya ako sa sinabi ni April. Sobra. Pag tapos nun hindi na kita ulit nakikita or nakakasalubong man lang. Umiiwas ka ata? Hindi naman kasi ako kasing ganda ng mga type mo e. Walang wala ako sa lahat ng gusto mo. Ngayon ko lang narealize na, oo may gusto na pala ako sayo. Ngayon lang, kung kailan hindi na tayo gaya ng dati.

Si Dynn yung crush ko, mas okay pa kami kasi nakasayaw ko sya nung prom samantalang ikaw hindi ko makita. Si Dynn hindi ko close napilitan lang ata syang isayaw ako. Nakakahiya sa kanya.

Sasali ka ba sa Dance Troup?

Pinag uusapan kong sumali kasi nandun ka. Kaso iniisip ko rin na kaya ka sumali ng DT dahil kay Joanne, hindi ka pa ata nakakamove on dun Laimer.

Ako? Hindi na siguro. Nakakapagod lang sumali dyan. Tsaka wala naman akong close sa DT e. Wag na.

So ayun, hindi ko na din pinagpatuloy kahit dream ko talaga ng makapasok. Member ka kasi e. Baka mailang ako sayo.

Grabe! Ang gwapo ni Jiovanni!

Iba na ang mga bestfriends ko. Hiwa hiwalay na kasi kami nila Raniella at Jannell e. Pero nagpapansinan pa rin naman. Si Joy nga pala may crush sa section 5.  4th year na pala ako.

We're in the same school yet were so apart.

I Wish, I Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon