Hoping

9 2 0
                                    

Hays. Stage play ngayon sa a.p, sana naman maganda yung palabas. Ang boring kasi e. Ang aga pa naming dumating dito sa SM, Wala din naman kaming gagawin, puro kain lang for sure dahil si Joy hindi talaga mapipigilan.

Gusto ko ng ice cream! - Joy

Jusme? Joy? Ikaw ba yan? Kung hindi ibalik mo si Joy! Ibalik mo ang kaibigan namin! - Rose

Ooppps! Ang o.a mo sa part na yan Rose! Gutom lang yan si Joy! -Jess

Sus? Kelan ba nabusog yan? Aber? Sige nga? Ano hindi kayo makasagot? Hahaha!

Grabe ka na Arlyn! Sus! Gusto mo lang makita dito si Laimer e! Ayiieeee! Hoping na sana kahit malayo makita mo sya! - Karylle

Oy! Grabe ka din Karylle! Baka ikaw yun? Baka gusto mo lang masilayan si Gabriel? Hahaha! Ano? Ano? Manahimik ka kung ayaw mong sabihin ko kay Gab!

Ano to? Blackmailing? Leche ka Arlyn! Alam na alam mo yung kahinaan ko ah? Dahil dyan.. - Karylle

Dahil dyan ano?

Dahil dyan magpapapicture ka kay Laimer bebe labs mo! - Sila

Ay? Pagtulungan ba naman ako? Kainis kayo! Hahaha! Ay! Pero wag ah? Guys. Alam nyo naman na ayokong magpapapicture sa kanya kasi nakakahiya atsaka hindi naman sya artists e. Buti kung si Paulo Avelino sya or kung sino pa mang hunk sa mundo!

Ganon? Ganyan? Kailangan mag litanya? Hahaha! Kumain ka na ba Arlyn? Baka gutom lang yan ha? Sabihin mo lang. - Joy

Totoo naman e! Ayoko sa lahat yung kukunin yung atensyon ni Laimer tapos magpapapicture lang? Srsly? Wag na. Nakakahiya! Higit sa lahat baka isipin nya idol ko sya o baka isipin nya sikat na sya! Pero.. Sana.. Mapansin nya ko! Kainis!

Tara na! Nagtext na yung mga classmates natin! Magsstart na daw yung play! Baka mawalan tayo ng mauupuan. Tara akyat na tayo - Jess

O! Hahaha! Save by Jess! Tara na daw!

Pag akyat namin sa taas.

Oy? Si Laimer yun diba? - Karylle

Napatingin ako sa sa may bilihan ng popcorn.. Teka?

Wait! Wag muna tayong umakyat!

Ha? Baket? Tara na! Mawawalan tayo e! - Jess

Basta mamaya na please?

Bahala kayo. Aakyat na kami. - Jess

Sige akyat na kayo sasamahan ko lang si Arlyn. - Joy

Umakyat na sila sa cinema. Nakiusap din kami ni Joy na magreserve sila ng upuan para saming dalawa.

Bat ayaw mong umakyat?

Kasi.. Nakita mo ba yun?

Alin?

Si Laimer.. May kasama sya

Ah? Si Dionne yun. Bakit?

Wala lang..

Ah? Tara na?

Wait! Nililigawan ba nya si Dionne?

Ahmm.. Hindi ko lang alam e? Magclassmates kasi sila tsaka balita ko may gusto si Laimer dyan kay Dionne e. Pero.. Ewan ko lang.

Sure ka?

Ouch. Imposible nga. Walang wala akong sa Dionne na yan. Maganda, maputi, matalino at mukhang mabait. Samantalang ako? Well, may similarities naman kami pero mas lamang sya kung totoong gusto talaga sya ni Laimer. Kawawa naman ako.

Sabi ni Ryck e.?

Si Ryck? Naging classmate natin yun diba?

Oo! Yung baklang yun.

Ah.. Akyat na tayo?

Tara.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil si Ryck ang nagsabi may Joy nun, yung baklang yun? Minsan Totoo sinasabi nun e. Pero kadalasan puro kaechosan lang! Sana.. Sana nga hindi Totoo yun.

Expecting something for someone doesn't hurt, but assuming does.

I Wish, I Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon